Lakad-takbo ang ginawa kong paglalakad. Halos liparin ko na ang papunta sa direksiyon ng elevator. Mahalaga ang bawat segundo na tumatakbo. Ayokong magtagal sa pagpunta sa opisina ni Yoseph. Baka kasi mamaya, biglang magbago ang isip niya. Hindi na niya ako harapin. Umakyat pa ako ng matarik na escalator para makarating sa lugar ng mga elevator. Oo. Tama. Mga. Merong anim na elevator ang building na ito. Ganun siya katas. Nang makapasok naman ako sa elevator ay halos hatakin ko rin ang oras para makarating na ako agad sa ika-thirty-fifth floor. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga empleyado, pero wala na akong pakialam. Ang konsentrasyon ko ngayon ay nasa paghaharap namin ni Yoseph. Bawat palapag na nadadaanan ng elevator, ay dagdag sa kabang nararamdaman ko. Kaya habang pataas nang pa