“Mommy?“ "Oo. Di ba, lablab... sabi ko sa iyo na ipapakilala kita sa pamilya ko ngayong araw? Maang pa rin akong nakatingin kay Yoseph. Parang ang bagal yata mag-proseso ng utak ko ngayon? Dahil ba sa katatapos lang na exams? “Bibilhan na lang kita ng bago on the way natin sa bahay namin. Ready na raw ‘yung lunch doon sabi ni Mommy. Kakatawag ko lang sa kanya. Excited na siyang makilala ka, eh! Pati na rin si Ate Ysa," masayang sabi ni Yoseph. "Ha?? Bakit?" Naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensiya ni Yoseph ngayon. O, dahil sa mga sinasabi niya. Saglit na natigilan si Yoseph, pero agad din namang nakabawi. “Ano'ng bakit?” tanong niya sa akin. Bahagyang natatawa si Yoseph, pero halata mo ring kinakabahan siya. "Bakit mo ako ipapakilala sa Mommy mo?" tanong