15

1054 Words
"Sense of humor? Oo, nasobrahan nga eh!" sarkastikong biro na rin niya. "Oo, mukha nga." sinakyan ko na rin. "Naku, enough na. Kayong dalawa, pinagtutulungan n'yo na ako! Anyways, may kasama ka ba ngayon, Chance?" tumino na din si Eden. Sinabi kong wala at mabait naman silang pareho dahil hinayaan nila akong makisabay sa mesa nila. I even pulled the chair for Natasya before we sat down on the table. She smiled at me that I almost melt. "Thank you." said she. Hindi ko akalaing pagkatapos no'n, magkikita pa ulit kaming dalawa. Mukhang ang liit nga ng mundo at parang pilit din na pinagtatagpo kami ng pagkakataon. Nalaman ko nalang kasi na siya pala ang may-ari ng N-Bar na paboritong inuman at tambayan ng kaibigan kong si Hades. Dalawang beses palang actually ako nakapunta rito pero nang malaman kong si Natasya ang may ari nito, naging paboritong bar ko na rin ito dito sa Pinas at palagi ko nang pinupuntahan. "You're taking a stolen photo of me too!" natatawang paratang niya sa akin no'ng isang pagkakataon na gumanti akong kumuha rin ng candid picture niya. Kumuha kasi siya ng stolen shot ko at nalaman ko 'yon kasi tumunog ang shutter ng camera niya. "Uh huh." hindi na 'ko nag-deny. Natatawang marahang hinampas niya 'ko sa braso. "I see it! Gumaganti ka! Uy, patingin nga ako! Baka ang pangit ng kuha ko diyan ha!" "Ikaw, pangit? Kailan pa? Wala akong naaalalang nakita kitang pangit ka, Natasya!" Totoo 'yon. Wala yatang kahit isang beses man lang sa paulit-ulit naming pagkikita na naging pangit siya sa paningin ko. "Sus! Nambola ka pa! Patingin nga!" Tiningnan niya ang kuha niya sa cellphone ko. Na-satisfy naman siya kasi hindi nga pangit. Ang ganda-ganda nga! "See? Hindi ka nga pangit." sabi ko. "Sige na nga! For keeps." Bumalik siya sa kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone at mayamaya lang may notification akong natanggap. Si Natasya, ini-upload ang stolen photo ko sa i********: account niya at itinag ako. Can't help myself but smile sweetly, as sweet as her caption for her newest post. Hello, my newly found friend! @chancesetespere ? #ForKeeps ❤ "For keeps?" I asked her dearly. She winked at me. "Yes, for keeps!" She was about to go back viewing her post but she was taken aback when I gently held her softest hand. Dinukot ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang regalong ibibigay ko sa kanya. I put the wristwatch on her hand and I realized how precious this thing is when she's wearing it. Bagay na bagay sa kanya at wala na yatang babagay na kamay sa relo na 'to kundi kamay lang niya. "Buti nalang naalala kong ibigay sayo. Anyways, bagay..." Can't help but admire her a lot. She deserves to be showered by gifts and chocolates because she is so sweet. Kahit wala pa siyang ginagawa o wala siyang sinasabi... nahuhulog pa rin ang loob ko sa kanya at humahanga pa rin ako. "Did you like it?" She was speechless when she nodded. I smiled wider. Tipid na nginitian niya ako. "Salamat." She looked away and I look at her while she's looking away... I know this is more than just admiration and yes, of course, more than just lust... Pakiramdam ko, in love na ako. Sa konting panahon palang na nagkasama at nagkakilala kami, nahulog kaagad ang loob ko sa kanya. Strange and funny but it's true. I never thought that love at first sight is possible until this girl comes along and made me see that it is really never impossible to fall in love easily… *** [Natasya's POV] LINGGO ng umaga nang magising ako at pababa ng hagdan nang mapansin ang tumpok-tumpok na cellophane ng mga rambutan at mangga na dala-dala ng mga katulong namin at ipinapasok sa kabisera. "Good morning po, miss Natasya." bati pa nito sa akin habang yakap ang dalang tumpok na cellophane ng rambutan. "Good morning." I greeted her back. "Ano 'yan?" "Rambutan po, miss, saka mangga. Fresh po at bagong pitas pa sa mga puno. Tikman n'yo po." sabi niya sa binuksan ang cellophane ng prutas. Pumuslit ako ng isang rambutan. "Kanino galing? Nagpa-order si mommy?" Mom loves fruits, as well as I do. "Ah, hindi po, miss. Dala po nu'ng batang Scottville, si Mr. Chance kung hindi po ako nagkakamali? Yung bumisita dito no'ng last Saturday. Dala niya po, miss." Si Chance? "Si Chance? Nandito si Chance?" "Opo, miss. Nasa porch po ngayon kausap ng mommy ninyo at ng kuya Zander n'yo." Kinuha ko ang balat ng rambutan at tinikman ito. Halos mamilog ang mga mata ko sa tuwa dahil ang tamis nito at masarap! Fresh na fresh pa nga at mukhang hindi binabad sa fertilizers. Napapuslit ako ng isa pa at binalatan ulit para kainin tapos isa pa at isa pa. "Ano, miss? Masarap po 'diba?" natutuwang anang katulong. Masiglang tumango ako. "Oo." Pumuslit pa ako ng apat na rambutan bago tuluyang dinala 'yon ng katulong sa aming kabisera. Ako nama'y dumiretso na sa porch. Kitang-kita ko kaagad sina kuya Zander at Chance na naglalaro ng chess doon. "Kuya! Chance!" masiglang tawag ko sa dalawa. Napalingon sila pareho sa pagdating ko. Ngumiti si Chance at tinigil muna ang paglalaro para tumayo at salubungin ako ng yakap. "Natasya!" "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa?" "Wala. Namamasyal lang. Hindi naman, bago lang din." Umupo ulit siya sa tapat ni kuya at nagpatuloy sila sa paglalaro. So, close na sila niyan ha? "Nakita ko na nga pala yung mga dala mong rambutan at mangga. Grabe, ang tamis ng rambutan, masarap! Uy, salamat ha? Nag-abala ka pa." "Talaga? Nagustuhan mo? Wala 'yon. Ayos lang, marami kasing bunga at harvest ngayon doon malapit sa rest house ko, tamang-tamang napadaan ako kanina kaya bumili na 'ko." "Malamang tuwang-tuwa 'yang kapatid ko dahil masyado 'yang matakaw kaya kahit ano tatanggapin basta pagkain!" singit naman bigla ng nang-aasar kong kapatid. Pinanliitan ko nga ito ng mga mata. Hindi naman ako pinapansin kasi naka-focus sa paglalaro ng chess! Si Chance nama'y marahang natawa nalang sa banat sa akin ng magaling na kuya Zander! "Uy, uy! You stop being so rude to your sister, kuya Zander ha!" bigla ay sumulpot si mommy at dinaluhan ako. Kaagad naman akong nakahanap ng kakampi sa ina at kumapit sa braso nito. "Mommy oh, inaaway ako ni kuya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD