Hindi alam ni Chance na papunta ako sa kanya at mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil abala siya. He's smiling while leaning his arm on the counter and doing whatever on his phone. Naka-sideview siya mula sa akin at ang gwapo niyang tingnan! I immediately took a photo of him on his very perfect angle.
Perfect click na sana pero epic naman dahil hindi ko namalayang hindi ko pala nai-off ang shutter kaya pagka-picture ko sa kanya, tumunog ang cellphone ko at awtomatiko siyang napalingon sa akin dahil nakuha ko kaagad ang atensyon niya. Damn it! Nakakahiya!
"Natasya, nandiyan ka pala! What are you doing?" both surprised and amazed were drawn on his face.
Awkward na ngumiti ako dahil nahihiya talaga ako!
Shit! Bakit kasi nakalimutan kong i-off muna ang shutter sound!
"Uhm, yes. Pasensya ka na. I took a photo of you without your knowing."
"It's okay. I don't mind it." marahan at mabait niyang binalewala iyon.
Hay, salamat naman!
Naupo ako sa katabi niyang stool.
I opened my gallery and looked at his perfect stolen shot. Artistahin!
I smiled and I can't help myself but zoom the photo. Almost everything about him in this photo is close to perfection!
I opened my i********: to upload it when suddenly I noticed that there's a phone at my side exactly pointing its rear camera on me. Nang tingnan ko'y nakita kong ngiting-ngiti si Chance nang ibinaba niya ang cellphone niya.
"You're taking a stolen photo of me too!" natatawang paratang ko sa kanya.
"Uh huh." tumango naman siya at hindi nag-deny.
Natatawang napahampas ako sa braso niya. "I see it! Gumaganti ka!"
Marahang tumawa lang din siya at hindi naman dumipensa.
"Uy, patingin nga ako! Baka ang pangit ng kuha ko diyan ha!"
"Ikaw, pangit? Kailan pa? Wala akong naaalalang nakita kitang pangit ka, Natasya!"
"Sus! Nambola ka pa! Patingin nga!"
Tiningnan ko ang kuha ko sa cellphone niya. Na-satisfy ako kasi hindi naman pala pangit. Perfect stolen shot din kagaya ng shot niya sa cellphone ko.
"See? Hindi ka nga pangit." aniya.
"Sige na nga! For keeps." sabi ko sabay ngiti sa kanya at bumalik ulit ako sa naantalang pagpo-post ko sa i********:.
Narinig kong ngumiti na rin lang siya at umiling saka bumalik na rin sa kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone niya.
I uploaded his photo on my i********: account giving it a sweet friendly caption.
Hello, my newly found friend! @chancesetespère ? #ForKeeps ❤
Medyo nahirapan pa 'ko sa paghahanap ng username niya para i-follow siya't i-mention sa post ko kasi may halong french words ito.
I left it for a while to stalk Lieven's profile and scan for his pictures. May mga pictures pa rin naman sila ni Farah na magkasama pero karamihan sa mga iyon ay deleted na ngayon. Ilan na lamang ang mga natitira.
Ilang sandali lang at sunod-sunod na notifications kaagad ang dumating sa akin dahil sa mga likes and comments sa bagong post ko.
5 minutes ago and the likes are now 34.
May mga comments na rin ang iilang classmates ko dati at mga friends ko.
: Uy, the who @missnatasya? In all fairness, ang gwapo ha!
Marami pang comments na katulad niyan galing sa mga kakilala ko.
: Boyfriend mo, Nat? Yiee. Bagay kayo!
Ang iba pa'y galing sa mga kaibigan ko lalong-lalo na kay Eden.
@edenamareach: Uy, uy, uy! What's the meaning of this? ? Hahaha! ?
@edenamareach: Ang gwapo talaga ni fafa Chance! ?
@ricksalvador: Ba? Lumalablayp! ?
@johnhenarez: Ayos @missnatasya! ?
Nireplyan ko ang mga kaibigan ko.
Me: @edenamareach Hahaha! Isa-isa lang sa pag-comment, girl! Hahaha ? Love you po! ?
Me: @ricksalvador Lumalablayp ka nga rin eh! Hahaha ?
Me: @johnhenarez Ayos na ayos! ??
Natatawa ako nang matapos reply-an ang iilang mga kaibigan ko. Actually, 'yang sina Rick at John and the rest of their friends, naging mga kaibigan ko na rin lang ang mga 'yan dito sa bar ko dahil simula palang nang magbukas ito two years ago ay regular customers na sila.
Sabi ko na nga, friendly ako when it comes to business kaya kinakaibigan ko rin ang mga dumarayo lagi rito sa bar ko.
Nilingon ko ang katabi ko at nakitang titig na titig ito sa akin habang ang ganda ng ngiti sa labi na aabot na parang hanggang tenga niya.
Ipinakita niya sa akin ang screen niya kung saan naroon ang post kong stolen shot niya sa IG ko at naka-tag pa siya. So, nakita na rin pala niya!
"For keeps!" he said smilingly from ear to ear.
"Yes, for keeps!" I winked at him.
I grinned at the back of my head. Siguradong makikita ito nina Farah, lalong-lalo na ni Lieven. Makakaganti na rin ako!
I was about to read the other comments and replies on my newest post but suddenly I was taken aback when Chance gently held my hand.
Napatingin ako sa kanya at akala ko kung ano na, may kinuha lang pala siyang kung ano sa bulsa niya at inilagay iyon sa palapulsuhan ko. It's a wristwatch and I know it's made in Paris. It's obviously expensive sa itsura at sa desenyo palang!
"Buti nalang naalala kong ibigay sayo. Anyways, bagay..." magiliw na sinabi niya habang nakatingin sa kamay ko tapos nag-angat ng tingin sa akin.
He really looks so deep and his eyes are serious although he has this little charming smile on his face. And it's making my heart go crazy in a way that I couldn't understand!
"Did you like it?"
Napatango ako habang titig na titig sa gwapo niyang mukha.
He smiled wider on me that made my heart melt even more. Ano bang nangyayari sa akin!
Tipid na nginitian ko siya. "Salamat."
Umiwas ako dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin...