"Last year, we've supplied almost fifty million amount of fabrics made of cotton, wool, and silk in Korea. Until now, our clothings are still in-demand from around Asian countries especially in Thailand, Korea, Japan, etc. as they are requesting our products almost every month to be imported on their cities. This year, designers and tailors from Mexico and United States are also planning to order half a million of denim clothes from Wynnfor Apparel." si kuya Zander naman, ang General Manager ng Wynnfor Group of Companies, ang nagkwento sa mga bisita.
"Therefore, I conclude that Wynnfor Apparel is really making high quality products." opinyon ni Mr. Scottville.
Yes, Wynnfor Apparel are clothes with high end quality of products. In-demand ang mga produkto namin hindi lang sa Pinas kundi sa iilang lugar din sa Asya at Amerika. And hopefully, pati na rin sa Europe kapag na-approve ang partnership namin sa Scottville malls.
Marami pa silang pinagkwentuhan tungkol sa business, ako nama'y tahimik lang na kumakain dito sa gilid katabi ang kuya ko. Kaya na nila 'yan since they are the big bosses in business industry. Kahit hindi na 'ko magsalita bilang parte rin ng may malaking posisyon at isa rin sa mga tagapagmana ng kompanya, alam kong kayang-kaya na ni kuya Zander at ni daddy na makipag-sales talk para makuha ang approval ng Scottville family for their partnership with us.
Habang kumakain, kanina ko pa napapansing titig na titig sa akin ang katapat kong batang Scottville. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, marahang nginitian niya ako. I did the same.
He's a Scottville so I presume he has a french blood?... Yes, I heard that Mr. Scottville, his father is a half french, ibig sabihin ay may dugo din talaga siyang euro. Tinitigan kong maigi ang mukha niya. I never knew that he's a french blooded! Sa ilang linggo na naming magkaibigan, hindi ko talaga nahalata man lang na may halo pala siyang french!
Kung titingnan kasi ang face features niya, he looks like a whole asian! Parang walang halong euro dahil siguro half na ang daddy niya at pure Filipina ang mommy niya, so konting dugo nalang ng french ang na-adapt niya. Well, except from his height and accent. He speaks a lot of decent french and I guess, he's a 6-footer.
"You always get to amuse me with your beauty. You are so pretty, Natasya." mahinang sinabi ni Chance habang busy pa rin sa business matters ang topic ng mga elders.
I laughed silently. "Bolero!"
"Hindi ako bolero." iling niya. "Nagsasabi ako ng totoo."
Napailing nalang ako't nagpatuloy sa pagkain.
"By the way, you never told me that you're a Scottville and you are french blooded, kaya pala ang galing mong magsalita ng french!" ako naman ang pumuri sa kanya.
He tilted his head as he chuckled. "You never asked me."
"You too seem so close together, huh?" bigla ay magiliw na singit ng mommy niya.
"Yeah. Pansin ko nga din." dagdag pa ni daddy. "By the way, it's healthy. I think, a heir and a heiress of huge businesses is all healthy to get closed with each one."
Napatango nalang ako.
Yeah. Indeed true... in the name of business!
Dalawang araw makaraan ng dinner na 'yon with the great Scottvilles, naisipan kong gumala sa opisina ni Lieven sa kanyang sariling bangko. Wala lang... namimiss ko na kasi ang isang ito!
"Natasya!" natutuwang aniya nang bigla nalang akong lumutang sa harap niya't mukhang busy pa siya sa kung anong mga binabasang paper works.
"Hello, Lev!" hyper kong bati.
Iniwan saglit niya ang ginagawa para salubungin ako't yakapin.
"What are you doing here?" marahan niyang tanong. "Take a seat."
He guided me to his long sofa and then I sat on it. He sat beside me.
"Wala lang. Kinukumusta ka lang... bawal na ba kitang kumustahin ngayon?" paglalambing ko.
Napangisi siya. "May sinabi ba ako?"
Parang bata akong umiling. "Wala. So, by the way, kumusta nga rito sa work mo?"
"Gano'n pa din. I am busy as always."
"Halata nga eh."
"How about you? Kumusta ka na? How was your family dinner with the Scottvilles? I heard, they're super rich?"
"Okay lang din ako, maayos ang work both sa company at sa bar ko. Okay din ang naging family dinner namin with Scottvilles, hopefully nga ma-approve ang partnership ng kompanya namin sa kanila. Yeah. They're euro billionaires."
Tumango si Lieven at hindi na nagtanong pa patungkol doon. Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa at mayamaya pa'y may naalala.
"Anyways, Natasya. Who's this?"
Pinatingin niya sa akin ang screen niyang may picture ni Chance bilang last post ko sa i********:.
Napangiti ako sa tagumpay. So, nakita na nga niya? And he minds it right now!
Nagtatanong siya!
He's really concerned! He cares... and I presume, he's jealous?
"Read the caption, Lev."
"Newly found friend." nakakunot na ngayon ang kanyang noo.
"Yes, he's my newly found friendship!"
Now, he's getting really serious. "Kailan pa kayo nagkakilala at naging magkaibigan?"
"Uhm, weeks ago. Actually, siya yung sinasabi ko no'ng gabing tumawag ka sa akin na friend ko, and now a regular customer on my bar."
"So, he often goes to your bar every night."
"Yes, actually, he's always there."
Ganyan nga... magselos ka, Lev. Gustong-gusto kong nakikitang nagseselos ka kasi binibigyan mo ng malaking pag-asa ang puso ko sayo...
"And before I forget, he's a Scottville. He's the one and only hire of Centres Commerciaux de Scottville." pagmamalaki ko pang sinabi.
Yeah. I'm so proud having a super rich friend like Chance Scottville!
Bahagyang nagulat si Lieven at napataas ang kilay. "Really?"
"Yes!" I giggled. "Isn't it amazing? I am a friend of the future owner of the great Centres Commerciaux de Scottville! Our company's soon to be partner in marketing!"
"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan 'yang taong 'yan na bago mong kaibigan, ha?" paniniguro talaga niya.
Humalakhak ako. I love it! "Oo naman. Lev, I wouldn't make friends with him if I know he cannot be trusted. Trust me, he's a kind man and a good person."
"Nevertheless if he's a Scottville or just a simple person... kailangan ko pa ring makita at makilala 'yan ng personal para makapanigurado akong mapagkakatiwalaan mong kaibigan 'yan!"
"Okay! Hahaha. On my birthday night, Lev. I'll make you meet him. Trust me, he can be trusted."
Tumango siya. "Dapat lang. You know very well why I'm doing this, right? Concerned at nag-aalala lang ako para sayo, Natasya, kasi alam mo naman... mahalaga ka sa akin..."
"Aww." I was so touched and so happy that I hugged him. "I know, Lev. I know..."
I'm just so happy right now...