ISANG linggo pa ang lumipas. Magkasunod ang overtime ni Anglica sa trabaho at pagsapit ng Linggo kung kailan nakapagpahinga siya ay saka niya naramdaman ang matinding pagod. Tanghali na siyang nagising at halos hindi niya maikilos ang kaniyang katawan. Nakailang tawag na sa kaniya si Wallace upang mag-almusal ngunit hindi niya pinansin. Mamaya ay bumalik na ito. “Honey, wala ka bang balak bumangon? Alas diyes na at late na ang almusal mo,” anito. Umupo ito sa gilid ng kama. “Masakit ang ulo ko at katawan,” reklamo niya. “Sabi ko na man sa ‘yo na huwag magpasobra sa trabaho.” “Dalhin mo na lang dito ang pagkain, please,” samo niya. “Okay. Pero tumayo ka muna at umihi. Ilang oras kang nakahiga baka magka-UTI ka niyan.” “Alalayan mo ako.” Tinulungan naman siya nitong makatayo at igini

