DAHIL maingay sa loob ng bar, lumabas pa si Angelica at sinagot ang tawag ni Wallace. Kung iignorahin niya ito ay baka mag-hysterical na naman sa galit. “Where are you? Are you still on duty?” kaagad ay tanong ni Wallace. Bakas sa tinig nito ang iritasyon. “Pauwi na ako, pala pa lang ng presinto,” sabi niya upang huwag magatungan ang inis ng kaniyang asawa. “Nakapagluto na ako ng dinner, hihintayin kita.” “Okay. Traffic kasi baka isang oras pa bago ako makauwi.” “Nasaan ka na ba?” “Nasa Pasay.” “Sige na. Take care.” Kaagad niyang pinutol ang linya. Alas otso na ng gabi at hindi na niya mahihintay si Barbara. Bumalik siya sa loob ng bar at hinanap si Maya. Nasa stage na ito kaya hindi na niya inabala. Nag-text na lamang siya rito saka lumisan. Dahil sa kahinahinalang kilos ng mga

