Chapter 6

2235 Words
ISANG buwan bago ang kasal ni Wallace ay umuwi siya ng Italy. Kailangan niyang maasikaso ang kaniyang negosyo at makausap na rin si Yoshin. Noong huli silang nag-usap sa cellphone ay sinabi niya rito na ikakasal na siya. At alam niya na nag-imbestiga ito tungkol sa babaeng pakakasalan niya. Siguresta si Yoshin. Lahat ng taong nai-involve sa buhay ng bawat member ng organisasyon ay kinikilatis nito. Malamang ay alam na rin nito kung ano ang katauhan ng mapapangasawa niya. Si Vladimir lang ang hindi kayang hawakan ni Yoshin sa leeg dahil mas mailap pa ito sa daga. Vladimir was the boss and had almost the same power ang ability as Yoshin. Kaya hindi rin ito magawang kalabanin ni Yoshin. Alam nito na kayang lumaban ni Vlad. Pagdating niya sa headquarter ng BHO ay may kinakaladkad na lalaki ang mga tauhan nila. Duguan na ang mukha ng pobreng lalaki na nababalot ng itim na kasuotan. Hindi naman nila ito tuta, maaring mula sa panig ng kalaban. “Buenas noches, Sir Wallace!” bati sa kaniya ng guwardiya. Papasok na siya sa tatlong palapag na bahay kung saan naglalagi si Yoshin. “Where’s Yoshin?” tanong niya rito. “In the armory, sir,” mabilis nitong tugon. Dumiretso siya sa armory kung saan naka-stuck ang mga armas nila. Kumpleto sila ng armas at mga pampasabog na sila rin ang may gawa. Isa siya sa nagtitimpla ng mga kimikal upang gawing explosive devices katuwang ang ballistic experts na si Alejandro. And he was surprised when Alejandro was there with his two German shepherd dogs. Sinasanay nitong tumalon sa mataas na mesa ang mga aso. “Holla! It’s a miracle to see you here tonight, Al,” he said. Alejandro faced him and offered him a fists bump. “It’s been a long time. Where have you been, as*hole?” anito matapos magbungguan ang mga kamao nila. “Aren’t you aware? I went to the Philippines to settle my marriage,” he said. “You’re kidding, right?” amuse nitong untag. “I’m not. Itanong mo pa kay Vladimir.” “You freak, motherf*cker!” Tinampal siya nito sa balikat. Tumawa lang siya. Madalas din sa Pilipinas si Alejandro at may trabaho sa business ni Vladimir. Alejandro’s life was dark as hell, and it reflects on his personality. Kaya ito nagpa-miyembro sa BHO ay upang makakuha ng suporta at mapalago ang pera nito. At iyon ang ginamit nito upang pabagsakin ang mafia group ng tatay nito. “Don’t talk to Yoshin now,” mamaya ay sabi ni Alejandro. “Why?” curious niyang tanong. “He’s possessed by the demon.” Humagalpak siya ng tawa. “The demon was him itself, no doubt,” he said. “Silly. Go ahead, talk to him. Be mindful of your words. He’s cleaning his gun.” “F*ck! Wrong timing.” Tumuloy pa rin siya sa armory kung nasaan si Yoshin. Naabutan niya si Yoshin na naglilinis ng kalibre kuwarenta y singko. Nakatayo ito sa harap ng estante ng mga baril at nakatalikod sa kaniya. “Buenas noches!” bati niya rito. They used the Spanish language while in the headquarter to hide their real identity. People think they were not pure-blooded Italian or Sicilians. Pumihit paharap sa kaniya si Yoshin, matalim ang titig. “You’re an entire bad news,” bungad nito. He chuckled. “What’s the matter? I’ve just arrived,” he said. “Wala ka nang oras para hanapin ang bwisit na si Maya!” Napasintido siya. “Bakit mo pa kasi hinahabol ang babaeng ‘yon? She’s nothing.” “She made multiple mistakes, and I can’t forgive her until I die!” Gusto niyang humagalpak ng tawa pero piningil niya ang sarili baka biglang makalabit ni Yoshin ang gatilyo ng baril nito na nakatutok sa kaniya. Maya ang tawag nito sa dating kawaksi na pinay na ninakaw ang antique nitong relo na nagkakahalaga lang naman ng tatlong milyong dolyar. “You know, I don’t get why you hate women. Tapos nag-hire ka ng babaeng kawaksi at tagalaba ng brief mo. At the same time, tagasubo ng alaga mo. Patawarin mo na ‘yong tao. Nakinabang ka naman, eh. At saka--” Tumigil siya sa pagsasalita nang pitikin ni Yoshin ang gatilyo ng baril nito. “Maya was a devil sent from hell to ruin my life. Pinahabol niya ako sa kalabaw noong pinuntahan ko siya sa Pilipinas. She didn’t even scare of my anger,” kuwento pa nito. Naalala na naman niya ang dinanas ni Yoshin kay Maya. Si Maya lang ang tanging nilalang sa mundo na nagpaluhod kay Yoshin sa putik at mamasa-masang popo ng kalabaw. May hangal na tauhan si Yoshin na kumuha ng video at nai-send sa kaniya. Pero siyempre, hindi na nila pinagkalat ‘yon baka ma-firing squad sila ni Yoshin ng machine gun nito. “Don’t worry, after my marriage, I’ll find Maya again,” sabi na lamang niya. “Isa pa ‘yang kasal mo, Wallace. F*ck you hard, as*hole!” Nanggalaiti na ito. Mamaya ay pumasok ang tauhan nila na may kaladkad na lalaki. Nabaling ang atensiyon nila rito. “And who’s that scumbag?” tanong ni Yoshin sa dalawang tauhan. “He’s a spy from the enemy, Lord Yoshin,” tugon ng isang lalaki. Pinaluhod ng mga ito sa sahig ang nabugbog na spy. Nilapitan nila ang lalaki. Pinitik na ni Yoshin ang gatilyo ng baril nito saka itinutok sa ulo ng spy na nagmamakaawa. “A spy from the enemy? Which enemy?” ani Yoshin. “From Cosa Deltran,” tugon naman ng isang lalaki. Tinutukoy nito ang leader ng isang mafia group na kinakatalo si Yoshin sa underground market. “F*ck you, Deltran Selvistri!” usal ni Yoshin. Idiniin pa nito ang dulo ng baril sa ulo ng nakaluhod na lalaki. “Please send my regards to Lucifer,” sabi pa nito sa pobreng spy. “Please, noooooo!” Umugong sa buong silid ang putok ng baril. Napagat sa ibabang labi niya si Wallace nang manrindi ang tainga niya sa ingay. Isang pitik lang ng orasan, may pinatay na naman si Yoshin. Hinipan ni Yoshin ang dulo ng baril nito matapos iputok sa ulo ng nahuling spy ng kalaban. Napatitig si Wallace sa lalaking bumulagta sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. Kaagad naman itong iniligpit ng mga tauhan. Bumalik sila ni Yoshin sa kanilang conversation na parang walang nangyaring pagpatay. “Before you announced your wedding, I already knew it. And your fiancee was a detective who was eager to catch me. Now, you still dared to invite me to your wedding day? Are you f*cking kidding me, Wallace?” Yoshin flicked the trigger of his gun. “I didn’t invite you. I'm just asking for a vacation,” said Wallace. Yoshin clenched his jaws. "You know many bullets can hit your body once you betray me, and I already had a special bullet for your future wife. I told you, women were just a distraction.” Inalipin siya ng kaba. Naisip na niya noon na pag-iinitan ni Yoshin si Angelica. Nalaman kasi ni Yoshin na isa si Angelica sa Filipino detective na nagsagawa ng imbestigasyon tungkol sa Black Horn Organization. “My marriage has nothing to do with my fiancee’s job,” he depended. “Yeah, but she’s bypassing the work of Sicilian task force agencies.” “Ang isyu lang sa Pilipinas ang tinatrabaho ng fiancee ko. Nakikipag-cooperate lang siya sa Sicilian anti-syndicate organization for some details and reference. At saka kasalanan ng tao nating palpak kaya umusbong ang pangalan natin sa batas.” “Damn them all! How dare they used my name?” “Vladimir currently working to fix the issue about your name. Don’t worry, I can handle my fiancee,” sabi na lamang niya upang kumalma si Yoshin. “I wanna meet your future wife, Wallace,” mamaya ay sabi ni Yoshin. Napamulagat siya rito. “Don’t tell me you’re going to the Philippines again?” Binato siya nito ng mahayap na tingin. “Pinagbabawalan mo ba akong pumunta ng Pilipinas?” “Uh, hindi naman. Pero kasi ang identity mo.” “Apelyido ko lang ang kinaladkad ng mga gagong traidor. Pupunta akong Pilipinas para hanapin ang punyetang Maya na ‘yon.” Napakamot siya ng ulo. “Ayan ka na naman kay Maya. Baka hindi na galit ‘yang nararamdaman mo, bro. Nami-miss mo na siya.” Biniro pa niya ito. “F*ck you! Lumayas ka sa harapan ko habang kalmado pa ang kamay ko!” asik nito. “Fine! See you on my wedding day, then!” Kumaway siya rito habang palayo. “May araw ka rin, Yoshin. I’ll send Maya to you para buwisitin ka,” bulong niya saka humagikgik. Kasama ni Wallace si Alejandro na umuwi ng Pilipinas. Naisama nito ang mga aso dahil private jet naman ang gamit nila. It’s his brand new jet he bought from New York. Ito rin ang gagamitin nila para sa kasal nila nin Angelica. Napasintido siya nang hindi nasabi kay Yoshin ang venue ng kasal. Pupunta itong Pilipinas na wala sila roon. Lagot na naman siya nito. PARANG hindi ikakasal si Angelica. Ilang araw na lang ang kasal nila ni Wallace pero kung saan-saang lugar pa siya nakarating makalakap lang ng impormasyon sa pagresolba ng kasong hawak niya. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong umalis si Wallace papuntang Italy. At wala siyang balita kung nakabalik na ito. Gabing-gabi na rin kasi siya umuuwi madalas at hindi niya nakakausap ang kaniyang mga magulang. Kinabukasan ng Linggo ay walang pasok. Tanghali nang nagising si Angelica at paglabas niya ng kuwarto ay may bisita, si Wallace kasama ang artistahing lalaki at si Vladimir. Nawindang siya sa ginagawa ng mga ito. Nagluluto sa kusina ang mga bisita. “Ano’ng meron?” takang tanong niya sa kawaksi. “Ah, si Sir Wallace po kasi gustong ipagluto ka ng lunch,” ani Sena. Nakaligo na siya, nagsuot ng maigsing denim pants at pulang t-shirt. Naunang lumingon sa kaniya ang pinakamatangkad na lalaking kamukha ng sikat na Latino actor. Moreno ito pero ang kinis ng kutis, ang tangos ng ilong, light blue ang mga mata. Siniko nito si Wallace na may ginigisa sa kawali. May suot na apron ang mga ito, parehong naka-long sleeve black polo at denim pants. Si Vladimir lang ang nakasuot ng itim na T-shirt at jersey pants. Si Vladimir ay parang walang kasama na abala sa pagbabalat ng patatas. Nakaupo ito sa harap ng stainless na lamesa at may kinukutkot na mani. Napalingon sa kaniya si Wallace. “Oh, hi, honey! Good afternoon!” masiglang bati ni Wallace. Iniwan nito ang ginagawa at nilapitan siya. Akmang hahalikan siya nito nginit tinakpan niya ng palad ang bibig nito. “Ano’ng pakulo ito, ha?” masungit niyang tanong. “Hindi ito pakulo. Matagal akong nawala kaya naisip kong ipagluto ka ng Italian lunch. I’m sure you will like my menu.” “At sino naman ang alalay mong artistahin?” Sinipat niya ang isang lalaki na itinuloy ang niluluto ni Wallace. “Uh, Si Alejandro Marchetti, Italian-Filipino rin. Kaibigan ko rin siya,” pakilala nito sa kasama. Nilingon lang siya ni Alejandro at tipid na nginitian. Parang kaugali rin ito ni Vladimir, hindi palakibo. “Okay. Welcome to our house!” kaswal niyang wika. “Thanks,” sabi lang ni Alejandro. “Uh, gusto mo ba ng makakain? May niluto akong mozzarella rolls,” ani Wallace. “Sige. Thanks.” Nagbait-baitan siya dahil may bisita. Okay naman si Wallace, ma-effort. Umupo siya sa silyang katapat ni Vladimir. “Hi!” bati niya rito. Sinipat lang siya nito, ni hindi ngumiti. Pero mamaya’y inalok siya nito ng kapeng barako. “No, thanks. Gusto ko ng coffee with cream,” aniya. “Peanut?” alok nito. Inilapit nito sa kaniya ang bowl ng nilagang mani. Kumuha siya ng isa saka binuksan. Pagkamalas-malas naman at bulok pa ang laman ng nakuha niya. Nag-serve si Wallace ng mozzarella rolls at coffee with cream. Kaagad niya itong nilantakan. Habang kumakain ay sumagi sa isip niya ang pamilyar na tattoo na nakita niya noon sa braso ni Vladimir. Gusto niya itong makita ulit nang matiyak kung katulad nga ito ng nasa picture na pinadala sa kaniya ng agent mula Sicily. Ang tattoo umano ay tanda ng isang mafia group. Hindi siya nakatiis, tinutukan niya ng tingin si Vladimir. Mukhang nahahalata siya nito. Sa tuwing mahuhuli siya nitong nakatingin ay ngumingiti siya. “Stop staring at me like that, Detective,” mamaya ay sita sa kaniya ni Vladimir. “Uh, sorry. I’m just impressed with your eyes,” alibi niya. “That’s not good. Wallace!” Tinawag pa nito si Wallace. “Bakit?” tanong naman ng isang abala sa pagluluto. “Your fiancee had a crush on me,” sumbong ni Vladimir. Napakislot si Angelica, nataranta. “Hoy! Hindi, ah! Masama bang humanga sa mata ng iba?” depensa niya. “You are defensive, meaning, you don’t want to make your fiance jealous,” ani Vladimir. Nairita na siya kay Vladimir. He’s teasing her. “Ano ba ‘yan?” tanong ni Wallace. Lumapit na ito sa kanila. “Ewan ko sa kaibigan mo! Ang weirdo!” maktol niya. Tumayo siya at kinuha ang kaniyang pagkain. Sa lanai na lamang siya kumain. Hindi talaga sila puwedeng mag-usap nang matagal ni Vladimir. Napipikon siya sa kawerduhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD