Heto na naman ang dalaga nagising na naman sa siya isang bangungot ng kanyang nakaraan na tila paulit-ulit na binabalikan ng kanyang isipan. Alam ng babae na hindi sila matatahimik sa kung nasaan ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.
Alam ng dalagang nag-iisa na lamang siya at tanging ang sarili na lamang ang makakapitan niya. Tumama sa mukha nito ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana ng bahay niya.
Sanay na siyang magising nang ganito dahil hindi naman magbabago ang bagay na iyon kahit pa ibalik niya ang nakaraan dahil wala rin naman siyang magagawa.
She is here for a purpose so, she shouldn't waste her life. Narito pa din siya dahil may rason pa siya kaya siya nabubuhay. Ang kailangan nito lamang ay mabuhay ng puno nang pag-asa.
Mabuhay para sa sarili niya. ‘I feel empty...I feel alone for almost four years. But, I am glad I've survived.’ Nabubuhay pa din siya dahil sa kayamanan ng pamilya niya na tanging siya lang ang nakakaalam kung saan nakatago.
Tanging ito ang bumubuhay sa kanya, ito ang ginagamit ng dalaga upang kahit papano ay maitawid niya ang sarili sa buhay na hindi niya alam kung saan tutungo.
Tumayo ang dalaga mula sa kanyang higaan at binuksan ang bintana ng silid. Sino nga ba ang mangingiming pumunta pa rito sa bahay niya kung para na itong haunted house dahil sa mga ligaw na halaman.
Sinadya niya ito upang walang maghinala na may tao pa din ang bahay na tinitirhan niya kung dati ay natatakot siya na bumalik sila, ngayon hindi na.
Lahat halos ng nalalaman niya ay nakuha na ng dalaga sa mga libro ng kanyang ama mula sa munti nilang silid-aklatan.
Noong bata pa ang dalaga ay palaging naroon ang kanyang mga kapatid at nagbabasa. Nalaman ng babae lamang ang kahalagahan ng kanilang ginagawa noon ng mawalan siya ng kasama sa buhay.
Nalaman niyang may bagay pala sa mundo na hindi katulad ng tao na may mga nilalang palang dapat katakutan at kaibiganin. Fairies, Deities, Gods, Goddesses, Dwarfs, Ghost, Vampires, Werewolves and etcetera. Those creatures do exist.
Nahintakutan ang dalaga nang malaman iyon dahil sa mismong mga talaan ng buhay ng pamilya niya nalaman ’yon or diary para sa mga normal na tao.
Tinignan ng dalaga ang orasan, alas singko pa ng umaga mahaba pa ang oras niya upang makapagbasa ng konti. Alas otso pa ang klase nito, isa lamang ang hiling ng kanyang mga magulang noon bago sila lumisan-ang ipagpatuloy niya ang pag-aaral na hindi naman niya tinutulan kahit pa nga weirdo ang tingin sa kanya ng mga tao sa eskwelahang pinapasukan nito.
Ayaw nitong makipag-away kahit na kanino pinapabayaan niya nalang sila sa kahit na anong gawin nila sa kanya mas mabuti ng hindi sila patulan dahil tahimik lamang ang gusto nitong buhay at makapagtapos lamang ng pag-aaral.
Pilit na ngiti nalamang ang ibinigay Ng dalaga sa sarili habang pababa sa kusina ng bahay nito. Ang dating puno ng ingay at tawanan ngayon ay tanging kahungkagan na lamang ang natitira wala ng iba.
Nadaanan pa babae ang larawan ng kanyang pamilya kung saan ay kumpleto pa ksilang lahat nakangiti sa camera sa hapag-kainan. Nakita niya din muli ang sarili na inaanyayahan ng kanyang ina na mag-agahan gaya ng dati nilang ginagawa.
"Bunso, kain na ano pa ang tinutunganga mo dyan?" Wika nito sa kanyabhabang nilalagyan ng pagkain ang plato nito kaharap ng upuan.
Tinanguan niya ito at naupo ngunit napawi ang kanyang ngiti nang biglang nalang naglaho ang lahat sa kanyang harapan at pumalit ay ang walang hanggang katahimikan. Imahinasyon lang pala nito ang lahat.
Akala niya ay totoo ngunit isa na naman palang panaginip na nangyayari sa tuwing siya ay gigising. Ngumiti ang dalaga nang mapait at tumayo ulit sa pagkakaupo.
Binuksan ang refrigirator at kumuha ng itlog at bacon kumuha na rin siya ng tinapay at ininit sa bread toaster, kumuha na rin ito ng prying pan at binuksan na din ang lutuan. Niluto nito na ang itlog at bacon.
Pagkatapos noon ay kumuha na siya ng plato. Nakagawian niya na ang uminom ng hot chocolate tuwing umaga kaya iyon ang naka-stock sa ref nito.
Ayaw niya ng kape at gatas dahil nasusuka siya sa mga amoy at lasa ng mga ito. Tahimik lamang siyang kumain at pinagmasdan ang kabahayan kailangan niya na din palang maglinis kahit naman mukha iyong marumi sa labas.
Ginagawa niya naman ang lahat upang mapanatili ang kagandahan ng loob ng bahay ng kanyang pamilya. Being alone thought her many things in life na kahit kailan ay hindi mapapantayan ng iba o mapapantayan ng pera.
Ang pag-iisa ng dalaga ay siyang naging dahilan upang mas rumami ang karanasan niya at ito din ang nagturo sa babae upang maging matatag at piliting magkaroon ng ngiti ang labi nito sa araw-araw.
She woke up this early not because it's her will to move but it is her mind commanding her to woke-up. she stared at her food as usual halos wala na namang bawas ito.
Nakakawalang gana lalo na kapag wala siyang kasama hindi niua nga alam kung mabubuhay o mamatay siya ng may kasama dahil hindi na umaasa ang babae ba magkakaroon noon pwera na lamang kung katulad siya ng mga nilalang na nasa mga libro niya.
Pagkatapos kumain ng dalaga ay hinugasan nito na ang kinainan at dumiretso na sa banyo upang maligo. Ginawa nito ang dapat gawin ng isang babae sa banyo habang nag-iisip ng bagay sa kanyang sarili.
Tama nga lang sigurong tawagin nila siyang weirdo at mahina kahit ’di man totoo dahil iyon ang nakikita nila. Maswerte sila at hindi sila natulad sa sinapit ng buhay at ng pamilya ng dalaga.
Alam niyang mas may malala pa na tao ang nasa sitwasyon niya kaya maswerte pa rin ang dalaga kahit papano dahil siya humihinga, kumakain tatlong beses sa isang araw at nakikita ang pagsikat ng araw.
Lumabas ang babae sa banyo ng nakatapis lang. Nag-toothbrush na din ang dalaga at bihis nalang ang kulang para may oras pa siyang magbasa. Pinili nitong suotin ang isang ripped jeans at t-shirt na kulay lila may hoody ito na gustong-gusto niya upang iiwas ang sarili sa gulo at itago ang mukha nito upang walang makakilala sa kanya dahil baka nasa paligid lang sila.
Inayos ng babae ang sarili at pumasok sa silid-aklatan ng bahay agad nitong kinuha ang libro tungkol sa mga werewolves She was fascinated with these creatures.
She loves how they are protecting each other and love their soulmates halos lahat ay alam niya na sa mga bagay-bagay sa kanila pati na ang ibang creature and she is glad she has read this information.
Mula sa mga ninuno nila hanggang sa konsepto ng kanilang pamumuno at pagbibigay ng halaga sa mga kabiyak nila. Napangiti ang dalaga habang binabasa ang mga ito kung sana lang ay tulad nila siya ay masisigurado ng babae na hindi siya mag-iisa.
Ang mga klase ng mga species na binabasa ng dalaga ay sadyang nakakatuwa dahil kahit papano inilagay man sila sa ganyang pisikal na anyo may isang bagay naman na ginawa ang Tagapaglikha nila na hindi mapapantayan ng mga tao.
The concept of soulmates that they had. Nakakalungkot lang dahil isa siyang tao at wala ng mga bagay na tulad nila.
She have seen thede creatures not once but many times. Patago silang tinitignan ng dalaga at patago lang siyang namamangha sa kanila. Kahit pa matalas ang mga pang-amoy ng mga nilalang na ito hindi nila siya naamoy at hindi nila siya nakikita.
Minsan nga ang iba sa kanila ay iginuguhit ng babae. Lahat ng mga larawan nila ay narito sa silid na ito. Their strengths and weaknesses are written in this book. Maybmga bagay rin dito na ang dalaga lang ang nakakagawa.
Minsan naitanong ng dalaga sa sarili.
Bakit may ganito ang siyang pamilya? Bakit kailangan nilanh alamin ang mga bagay na ito gayong isa lamang silang hamak na tao. Is it neccessary for them to know these stuffs?
Yes, she think dahil kailangan ito. Atleast, kahit isang porsyento lamang ng tao sa mundo alam na may mga nilalang na iba sa kanila na may nilalang na nakikisalamuha sa kanilang mga tao.
Namumuhay na parang tao at gumagalaw na parang tao, mahalaga ang lahat ng nalalaman ng babae sa mga libro ng kanyang pamilya dahil kahit papano ay napupunan nito ang pangungulila niya sa kanila.
Sabi nga ng kanyang Ina noon. "Ang mga libro ng ating pamilya ay isang bintana natin sa kaalaman at kaunlaran kaya marapat lamang na ito ay ating pahalagahan at pakaingatan." These books are her secrets.
Nakatago ang mga ito sa likod ng pader. Kung papasok sa kuwartong ito aakalain na isa lamang itong simpleng living room. She sighed while staring at these books. It's time for her to face her hell hole again. School.
Mabuti na lamang at nasa kolehiyo na siya ngayon. Tatlong taon na lamang ang bubunuin niya upang makaalis sa lugar na iyon at tuparin ang huling habilin ng kanyang mga magulang ang maging isang manlalakbay na tumuklas ng mga bagay na gaya nila.
Kinuha ng dalaga ang bag at bumaba na sa hagdan ng bahay dumiretso ito sa garahe kung nasaan ang bike na siyang transportasyon nito papuntang eskwelahan.
Sinarhan na muna nitong mabuti ang bahay at nag-umpisa ng magbike. Isang oras siyang nagpedal sa nag-iisang transportasyon niya papuntang University na ito ang pinakamalapit na eskwelahan para sa kanya kahit pa nasa liblib na lugar siya nakatira.
Napabuntong-hininga ang babae nang matanaw ang pinapasukan nito. ‘Here it is... another year of my emotional torture.’ Itinabi ng dalaga ang bike sa lalagyan ng mga bike at siniguradong hindi mananakaw ’yon. Isinuot nito ang hoody at nag-umpisang pumasok sa Unibersidad.
Sikat ang dalaga dito hindi dahil sa maganda siya kundi dahil -"Andyan na ang weirdo." Sikat siya dahil siya ang tampulan nila ng tukso binilisan ng babae ang paglalakad. Minsan siya ang napagti-trip-an nila kaya palagi siyang may baon na extra t-shirt.
Hindi nga nagkamali ang dalaga sa expectations niya. Nang sa lobby siya dumaan at may pumatid sa kanya. Subsob ang mukha ng dalaga sa semento ni isa wala man lang tumulong sa kanya bagkus tinawanan pa nila itong lahat.
"Ang tanga naman ng semento weak!" Dali-daling tumayo ang dalaga at dumiretso sa locker upang kunin ang mga libro niya. Only to find out na puro basura ang laman nito.
Sinarhan nalang niya ito pabalik. "Hindi ka kasi bagay dito doon ka sa bundok kasama ang mga kauri mo." Pinapalagpas lang ng dalaga sa tenga ang mga pang-iinsulto nila gaya ng dati wala naman siyang magagawa.
Ano bang nagawa niya sa mga taong ’to? ‘Magtiis ka lang, tatlong taon nalang, Everdeen... be strong, don't cry, don't cry,’ sabi ng babae sa sarili habang pinipigilan ang umiyak...