Pagkarating namin sa farm ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. Wala namang nag-aabang doon at lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Si lola ang unang nakapansin sa akin. "Oh, nakauwi ka na pala Chanda." "Sorry po, medyo nagabihan." Ngumiti lang ito at nagtanong kung anong ginawa namin. I ended up showing her all the things I bought and telling her how much fun I got for going out with Seah. Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso ako sa kwarto para makapagpahinga na at makapagbihis. I feel sticky but instead of going to the bathroom, I just used wet tissue and powder. Wala pa rin kasing ilaw roon at hanggang ngayon ay hindi ko kaya na gumamit lang ng flashlight. After doing my things, I went out to grab dinner. "Next time na aalis ka ay personal kang magpaalam at hindi