Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng birthday ko pero hanggang ngayon ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Everyone's moved on now but here I am, still thinking about it like crazy. Kilig na kilig pa rin ako sa tuwing maaalala ang efforts ni Xan to think na hindi niya iyon ginagawa sa iba. The image of him smiling at me and greeting me a happy birthday still plays on my mind. "Wala na itong pag-asa," ani Seah nang makita akong nakangiting mag-isa at nakatingin sa bintana. I blinked twice before standing up. Ako kasi ang nakaupo sa upuan niya dahil wala pa siya kanina. "Good morning, Seah!" magiliw na bati ko pero sa halip na ngumiti ay ngumiwi pa ito. "Nevermind. Ang weird mo." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nag-focus sa klase buong araw. Pagdating ng hapon ay sa