MASAKIT ANG ULO ni Cythe habang paunti-unti niyang ibinubuka ang kaniyang mga mata. Hinimas-himas pa niya ang kaniyang ulo dahil sa namumuong kirot doon.
Una niyang napansin ang malaking ceiling fan sa kaniyang uluhan. Mayroon itong kakaiba at makalumang disenyo na inukitan pa ng hugis-rosas. Sumunod, ang mismong kisame na sinadyang lagyan ng painting ng isang babaeng nakatayo patalikod sa kalagitnaan ng hardin. Mas lalo iyong nagpadagdag ng karangyaan sa kabuuan ng lugar.
Ramdam din niya ang kaniyang likod na nakalapat sa malambot na king-sized bed. Napabalikwas si Cythe roon habang iniisip ang pagtatraydor na ginawa ni Ed sa kaniya sa coffee shop. Kinurap-kurap niya muna nang ilang beses ang kaniyang mga mata bago nagpalinga-linga upang silipin ang kabuuan ng silid. Hindi pamilyar, iyon ang unang pumasok s kaniyang isipan. Isa pa, kahit gaano pa 'to kaganda, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na namemeligro ang buhay niya.
Walang imik na tumayo si Cythe at una niyang naramdaman ang lamig ng sahig na yari sa marmol. Nakayapak. Hinahanap niya ang kaniyang sapatos, pero hindi niya ito mahagilap sa gilid ng kama. Gusto niyang tumakas at lumayo, kagaya ng kaniyang nakaugalian sa tuwing nakakasagap siya ng panganib.
Sa kanang bahagi, nakapokus ang kaniyang tingin sa sliding window na yari sa salamin. Dali-dali siyang naglakad papapunta roon.
Nakaramdam si Cythe ng panlalamig nang makitang umuulan pala sa labas. Tantiya niya ay nasa ikatlong palapag siya ng bahay. Malaya niyang natatanaw ang hardin na punong-puno ng pulang mga rosas. Kanina pa niya napapansin ang mga rosas na kahit saang parte man siya tumingin.
"Tatakas ka ba?" Napatigil siya at nilingon ang pinagmulan ng baritonong boses. Doon lang napansin ni Cythe ang lalaki na kanina pa yata nakatayo sa awang ng pintuan. Bukod sa bintanang ito, ang pintuan lang ang daan niya palabas ng silid.
"Kung ihahatid mo 'ko palabas, takas pa ba rin ang tawag do'n?" Nahagip ni Cythe ang biglang pagtawa nito na para bang amused na amused sa kaniyang binanat.
"Sa tingin mo ba ay escort mo ako para makalabas? Hell, no." Naglaho ang tawa nito habang nagtitigan silang dalawa.
Pinagmasdan ni Cythe ito ng maigi. Mukhang hindi nalalayo sa edad na bente-singko anyos. Maputi ang balat at medyo balbunin ang balat. Mapupula ang mga labi. May pagka-blonde ang kulay ng buhok. Alam kaagad ni Cythe na ito'y hindi isang Pilipino.
Katulad ni Ed, kulay asul din ang mga mata nito. Mas matangkad nga lang ito nang bahadya kay Ed, pero kung tutuusin parang mature version lang ito ng binatilyong kasa-kasama niyang magkape.
"Huwag mo nang tangkain pang tumakas, hindi ka naman namin ikukulong."
"Hindi ikukulong pero nagawang papuntahin dito nang sapilitan."
Naglakad ito papalapit sa kaniyang gawi. Umatras siya dala na rin ng takot.
"Natatakot ka ba sa akin?" tanong nito habang nakangiti. Sa height niyang 5'7, nanliliit pa rin si Cythe. "You don't have to be scared," patutsada pa nitong dagdag. "Hindi ba ikaw naman ang hindi tao sa ating dalawa?"
Napaatras pa rin siya at nakaabot sa bintanang may sliding glass. Lumapat doon ang kaniyang likod sa salamin ng bintana habang hindi pa rin umaalis ang kaniyang paningin sa lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbigay ng pangalan.
Mas lalong naalarma si Cythe nang mapagtantong isang metro na lang ang agwat nila sa isa't isa. Kakaiba rin ito kung makatingin. Pinagmasdan din siya mula ulo hanggang paa, sabay sumilay ang mala-demonyong ngiti.
"Uhm, you look too stunning," umpisang daldal nito. "Maliit na waistline, malaking balakang, at may dibdib na pinagpala, ganiyan ba talaga ang mga katulad niyong imortal? Lahat ba kayo, almost perfect na ang physical features?"
Napataas ang aking kilay habang napahalumikipkip nang mapansing napako ang mga titig nito sa kanitang dibdib. Hindi niya alam kung compliment ba 'yon o hina-harass na siya. At isa pa, apo si Cythe ni Aphrodite, ang diyosa ng Kagandahan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi sila magkasundong mag-lola. Halos ang lahat ng body features niya ay kapareho o mas angat pa kay Aphrodite.
Sa isip-isip niya, malamang nangunguna ang kaniyang lola sa pag-outcast sa kaniya sa Olympus upang mawalan ito ng kaiinggitan pa.
"Are you still a virgin?"
Bumalik siya sa wisyo sa sobrang pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Cythe sa rektahang tanong ng lalaki. "Di rin kayo mga kidnapper, p*****t din."
"Naah," pa-cool pa nitong dating. "Your beauty is just too good to exist. Any man would die to have you in bed. Sa tagal mong nabubuhay, I doubt kung virgin ka pa. Woman nowadays, kakasibol pa lang, isinuko na ang bataan."
Humakbang ito ng isa pa, ngunit wala na siyang maaatrasan. Para itong halimaw na nakatingin sa magiging merienda nito.
At ayaw niyang maging pagkain.
"Hindi ko inaasahan na totoo at walang bahid na exaggerations ang painting na obra ng aming ninuno noon. Ngunit, mas maganda ka pa pala sa personal."
Hindi nagpatinag si Cythe sa mga sinasabi nito. Nilakasan niya ang kaniyang loob habang papalapit ito nang papalapit sa kaniyang gawi.
Halata sa mga kamay ni Cythe na nati-tense siya sa mga nangyayari. She can almost hear her own heartbeat pounding so loud. Sa sobrang lakas nito ay nararamdaman na siya ang pagkabalisa sa kaniyang sarili. Someone just told her about her real identity, at sadyang nababahala siya sa mga nangyayari.
Nanlalamig ang kaniyang kamay nang hinawakan nito ang kaniyang baba upang paangatin siya ng tingin. "What do you wanna eat? Matagal-tagal kang nag-stay sa Pinas, 'di ba? Mahilig ka na ba sa kanin?"
"Tsk. Mukha ba akong nagugutom?"
"Ako, gutom na gutom. Baka pwede kitang matikman?" suhestiyon ng lalaki habang nilawayan pa ang ibabaang labi nito. Ramdam niya ang pang-iinit nito.
Hindi siya katulad ng kaniyang lola na libre ang s*x ng kung sinuman basta ma-satisfy lang ang diyosang 'yon. Iba siya. At kailanman, hindi siya magiging gano'n.
At bago pa man makababa ang mha labi nito sa kaniyang mga labi, mabilis ang pagkilos si Cythe nang tinuhuran niya ang p*********i ito sabay tinulak nang ubod ng lakas upang mawalan ng balanse. Humiyaw ang lalaki. Namilipit sa sakit.
"f**k you!" malutong niyang mura.
Ngumisi nang mapakla si Cythe at saka dali-dali binuksan ang sliding window. Wala na siyang pakialam pa kung magkakapilay-pilay siya sa baba, basta kailangan niyang makatakas.
Akala ni Cythe, gano'n lamang kadali ang makatakas sa lugar na 'to. But this man holds her right hand so tight while she still hangs onto the air. Sa kamalas-malas, naabutan pa rin siya. Nagpumilit si Cythe ba malaglag sa bintana ngunit mas lalo lamang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay.
"Going somewhere? Magpapatiwakal ka ba? Nasa third floor tayo, tapos lulundag ka?"
"Let me go!" Nagpupumiglas si Cythe ngunit 'di hamak na mas malakas ito kumpara sa kaniya. "Gago ka!"
"Grabe ka naman. Ayaw mo sa 'kin? Really? First time akong tinanggihan ng babae."
He pulls her upward. Sa lakas nito, wala man lang itong kahirap-hirap na inalis siya sa may bintana at ibinalibag papasok ng silid. Medyo masakit ang pagkahambalos ni Cythe sa sahig.
"Seith!" Isa boses ang kaniyang nadinig sa loob ng silid at laking gulat pa niya nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Kulang na lang ay malaglag ang kaniyang pangasa sobrang pagkagulat. Katulad ng huli niyang alaala, hindi inakala ni Cythe na makikita pa niyang muli ang batang kasakasama niya noon, ilang libong taon na ang nakalilipas. Tumanda lang ito nang ilang taon, pero hindi pa rin naman nagbabago ang features ng dati niyang kaibigan. Kulot pa rin ang makapal nitong buhok na kasingkulay ng dilim. Mapayat, pero sakto lang ang katawan nito; hindi patpatin pero hindi rin naman macho.
"Don't touch her like that, Seith. She's a guess." Seryoso ang mga nitong nakatingin sa kaniyang katabi at mabilis na nagbigay ng distansiya sa kanilang dalawa.
"She wants to escape," pagbibigay pa nito ng rason. "I only want to help. Tumalon siya bintana. Sinagip ko lang."
Still, the new comer isn't please with his damn excuses. Lumapit ito sa kanilang puwesto at huminto sa harapan ni Cythe. This time, inilahad ang malapad nitong kamay at para bang mas lalong lumapad ang ngiti nito nang magtama ang kanilang mga mata.
"William?" nagdadalawang-isip siyang banggitin ang pangalan nito. This is impossible. Hindi pwedeng nabuhay si William ng ilang libong taon. "Ikaw ba 'yan?"
"I'm afraid not, Miss," pangiti pa nitong tugon. "You can call me Wreith. Si William ay ninuno namin. Pasensiya na sa kalokohan ng pinsan ko, he means no harm."
Tiningnan lang ni Cythe ang kamay nitong nakalahad pa rin sa ere. Tinatantiya niya kung ilalahad pa rin niya ang kaniyang kamay o mananatili na lang itong nakalagay sa kaniyang tabi.
Sa huli, mas pinili niyang huwag nang kibuin ang lalaking ito. At pinilit na makatayo sa pagkakadapa nang mag-isa. If he's not William, then there's no reason to be friendly. Kahit na kamukha niya 'yon, hindi pa rin ibig sabihin ay kaagad siyang magtitiwala sa iba.
Nandito si Cythe sa mundo ng mga tao para sa iisang layunin, at hindi kasama sa layunin na iyon ang makipagkaibigan.
"We need your help," sambit no'ng Wreith. "Time is running out, Cythe. Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Why don't you let me explain everyhing before I let you leave here."