DAHAN-DAHANG ibinuka ni Cythe ang kaniyang mga mata. Katulad no'ng umpisa, nakapokus ang kaniyang paningin sa kisame. Blangko. Nahihirapan na siyang mag-isip. Naubos na ang lahat ng lakas niya paa lumaban. At kapag lumalaban siya, mas lalo lang siyang pinahihirapan ng prinsipe. Paulit-ulit na lang na ganito. Paulit siyang kinikontrol ni Liyan. Paulit-ulit siyang mawawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan. At paulit-ulit siyang babagsak sa kuwartong 'to. Nawawalan na sia ng pag-asa. Nalulumbay. Nalulugmok. Ito na ba ang panibagong uri ng kaniyang kulungan? "Akala ko, hindi ka na magigising pa." Walang ganang bumalikwas si Cythe at napatingin sa pinagmulan ng pamilyar na boses na 'yon. Sa labis na pamilyar, nag-uunahan ang bawat pintig ng kanyang puso. Sa labis na saya... Nak