Napayapos. Napahagulhol. Ngunit, batid ni Cythe na wala na siyang luhang ipapatak pa. Nakahandusay sa sahig ng kastilyong nagbabago ng anyo, ang walang buhay na katawan ng prinsipe na animo'y hindi na mawari ang kasalukuyang anyo nito. Ramdam niya ang mga balahibong mabilis na kumakalat sa buong katawan ng prinsipe. At ang puso nitong wala ng pintig ang ikinatapos din nang pagpintig ng kaniyang puso. Mas may ikasasakit pa pala sa katotohanang hindi siya nito kayang mahalin pabalik. Mas may ikalulugmok pa pala sa pagdurog ng kaniyang puso. Ito nga ba ang kapalit ng isang pagmamahal? Ito pala ang isang pagmamahal. "Cythe.." Isang pamilyar ang kaniyang naririnig buhat sa may pintuan. "Halika ka na, anak. Bago ka pa matagpuan ng lola mo." Hindi pa rin siya makakilos. Alam din niyang matat