Mabigat ang loob ni Cythe nang tumawid sa kahabaan ng highway. Mabuti na lang at nakaabot siya ng labasan, bago pa man magdapit-hapon, or else mas mahihirapan siyang mahanap ang way out sa bundok. At buhat kahapon, ngayon pa lang niya nalaman na nasa bulubundukin siya ng Rizal. Ramdam niya ang tiyan niyang sobra nang kumakalam. Hinimas-himas iyon ni Cythe, umaasa na mawalan ito ng sakit. But it's not. Mas lalong naramdaman niya ang gutom habang napapatingin sa matandang tinderang tinapay. Agahan pa lang ang huli niyang kain, at parang maghahapunan pa yata siyang walang-wala. She has no money. Wala rin siyang phone. At ang mayro'n lamang ay ang deteminasyon na makatakas kay Jether sa lalong madaling panahon. Napakuyom ang kaniyang kamao habang iniisip ang taong iniwan sa bundok. By now, J