CHAPTER 16. WILLIARD

1057 Words
Alabang, Muntinlupa Taong 2020 Hindi mapakali si Williard sa mga nangyayari. This is just too surreal for him – ang malaman ang kakaibang sumpa na nananalantay sa kanilang dugo, and posibilidad na may kaugnayan ang girlfriend niyang si Marianne, at ang kaharian ng Yuteria na madalas na yatang nababanggit nitong mga nakaraang araw. If Yuteria does exist, then he must control Wreith's obsessions. Hindi na kasi nakakatuwa. So, he left them intentionally. At habang ilang oras nang wala siyang balita kay Marianne, mas nanaig sa kaniya na piliin ang babaeng mahal niya kaysa sa pangungulit ni Wreith ngayon. "Where are you?" bungad ng boses sa kabilang linya nang tumakas siya sa kalagitnaan ng meeting nila. "Ano ba 'yang pinaggawa mo, Will? You're not on your mind again." Not on my mind? He hissed. Hinahanap niya ang gilfriend niyang walang paalam na umalis sa bahay, tapos siya pa 'tong not on his mind? Mas mahigpit ang pagkakahawak ni Williard sa kaniyang manibela habang pinapakinggan ang paninermon ni Wreith sa speaker. At dahil nilakasan pa niya ang volume nito kanina pa, umalingawngaw ang boses ni Wreith sa loob ng kaniyang kotse. Maling-mali ang pagsagot ng tawag nito. "I said go back here!" singhal ni Wreith na siyang ikinadisgusto niya. Isang oras din ang nakalipas, bago niya binuksan ang phone niya. He needs it to track down Marianne's location. Kaya kahit labag man sa kaniyang kalooban kailangan niyang buksan 'yon. "Kanina ka pa namin tinatawagan. Hindi ka makontak. Dammit, Will!" "I'll call you later." "Don't hang up the phone. Tsk." Tahimik niyang binabaybay ang daanan patungong timog, sa siyudad ng Muntinlupa. Pabigat na rin nang pabigay ang trapiko dahil malapit ang rush hour. He has no idea on what's going on, lalo na't kahapon lang ay sinabihan na niya si Marianne na mag-impake na at isasama na ito sa kaniyang bahay. He decided to get married with her when she turns eighteen. Isang linggo na lang ang kailangan niyang hintayin. Ang akala niya ay wala sanang problema ay kabaliktaran ang mga nangyayari ngayon. "Tatawagan kita," he assures, pero wala rin namang kuwenta laban sa kausap niya. "Bumalik ka na rito! Ikaw na lang ang kulang." "Shut up, Wreith," angal niya. "Hindi ka nakikinig." "No, you shut-up!" Ang lakas ng boses ni Wreith ang siyang nagpabalik sa kaniya sa wisyo. "This is a matter of life and death, you idot! Nagawa mo pang unahin ang mga bagay na wala namang kapaki-pakinabang sa ating angkan." He rolled his eyes. Nagsisimula na naman ang pinsan niya sa pagiging hysterical. At kapag ganito ang sitwasyon, hindi na 'to titigil sa pagsasalita. Kailangan niyang unahin si Marianne. Something tells him that nothing is going right. At kung tama ngang naglayas si Marianne sa bahay, malamang iisa lang ang pupuntahan nito – sa dating bahay, bago pa man niya ito kinupkop, ilang taon na ang nakararaan. "Mamaya na tayo mag-usap. Nag-da-drive ako." "f**k!" He hissed again. Kailanman ay hinding-hindi ito maiintindihan ng kaniyang kausap. "Sa lahat, ikaw 'tong inaasahan ko, Will. Pero bakit parang ikaw 'tong walang silbi ngayon?" Nakasimangot siya sa narinig. Badtrip na si Williard sa bawat pangyayari sa personal niyang buhay. At mas badtrip pa ngayon sa kakapilit sa kaniya ni Wreith na magpokus muna sa problema ng pamilya. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga, bago muling nagsalita. "Kaya mo naman 'yan, Wreith. May gagawin akong importante." "Stop acting like a brat here. Alam mong hindi ko kaya 'to nang mag-isa. Stop wasting your time, dammit! Saka na 'yan!" "I'm not wasting my time," pagdidiin niya sa kausap. "Baka magkaiba lang talaga tayo ng priorities." "f**k your shitty priorities! Wala kang mapapala sa babaeng kasa-kasama mo lang dahil tinanggalan mo ng kalayaan." "Wala rin akong oras para sa 'yo." Pinatay na niya ang end button ng phone niya. Nawawalan siyanng gana sa lahat. At some point, Wreight is right. Ganun pa man, hindi ibig sabihin ng pagtanggal ng mga pakpak ay nawawala na rin ang kalayaang magmahal. He's hoping for it. Na baka isang araw, magising na lang si Marianne at ma-realize na mahal din siya nito. Pero kabaliktaran ang mga nangyayari. Bangungot ang sumalubong sa kaniya nang mapagtantong nagising nga si Marianne sa matagal nitong pagkakahimbing at nais nang makalaya. Biglang napatigil si Williard sa kalagitnaan ng kalsada kung kailan ay nakailaw ang berdeng stoplight. Sunod-sunod ang pagbusina ng mga sasakyan na nakabuntot sa kaniyang likuran. At wala na siyang pakialam doon. He's thinking too much. He knows. Ilang taon ding naging loyal sa kaniya si Marianne. Kahit masyado na siyang possessive, hindi niya ito nakitaan ng pagrereklamo. It goes so smooth over these years, kaya malaking katanungan ngayon sa kaniyang isipan kung bakit bigla na lang itong nagbago. Seryoso naman siya para sa dalaga. His intention is pure, kahit pa sabihing mali ang pagpapakita sa kaniya ng pagmamahal. Palaging kapakanan ni Marianne ang kaniyang inuuna kahit pa minsan ay nawawalan na siya sa posisyon at limitasyon. But that's love. No one can ever tell what's the formula of a right love. Nagpatuloy siya sa kaniyang pagmamaneho. Nanginginig ang mga kamay. Hindi siya mapakali. Pakiramdam ni Williard ay may mawawala sa kaniya na importanteng bagay. Sunod-sunod ang kaniyang pagbuntong-hininga. At huwag naman sanang si Marianne 'yon. Baka hindi niya kakayanin. He invests a lot towards that woman -- time, money, effort, and mostly his damn heart. Kaya napailing-iling siya sa kaniyang negatibong pag-iisip at mas piniling magpokus na lang sa kalsada. Mabagal man ang pag-usad ng sasakyan, narating din niya ang eskinita ng baranggay ng Bayanan. Kumaliwa siya at nagtuloy-tuloy hanggang makarating ng Baywalk na dugtong sa lawa ng Laguna de Bay. Magtatakipsilim na nang makarating si Williard sa mismong lugar. Sa labas ng kaniyang sinasakyan, mistula siyang nawalan ng hininga. He stares coldly with disbelief. Nakita rin niya si Marianne, sa wakas. Masaya. Nakangiti. Humahalakhak. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada, paharap sa lawang napupuno ng waterlilies. Masaya na sana ang lahat, kung hindi lang sa pamilyar na lalaking kasa-kasama nito. Naninikip ang kaniyang dibdib. Nakatiim ang bagang. Hindi ito kapani-paniwala. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao, bago niya binuksan ang pinto ng kaniyang pulang kotse at naglakad papalapit sa gawi ng mga ito. What's his . . . is his.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD