CHAPTER 30. SLAVE

1305 Words

HINDI GANOON kasimple ang pagtakas sa kulungan. Patakbong nakatingkayad. Palakad nang hindi diretso. Pasimple ang bawat hakbang na walang tunog papalayo sa lugar na iyon. Nagtatago sa anumang sulok na madaraanan habang sinusundan ang bawat anino ng dilim. Nagkukubli habang nagmamadali. Kailangang walang makapansin sa kanilang pagtakas. Mabuti na lang at iilan lang ang bantay sa lugar na ito. Huminto si Cythe sa kaniyang pagtakbo. Hinihingal na siya. Inilapat niya ang kaniyang kanang palad sa kaniyang dibdib. Wala talagang kuwenta ang katawan ng mga mortal. Mabilis itong mapagod. Masyado talagang mahihina. Kailan kaya maibabalik ang kaniyang lakas? Napabuntong-hininga siya. Kasama nga pala 'yon sa kaniyang parusa. Nakatingin si Cythe sa lalaking nasa kaniyang unahan. Sinisipat n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD