Chapter 5

870 Words
After what seemed to be like a forever, natapos na din ang discussion namin sa substitute teacher na pumalit kay Dylan. Though I didn't understand a thing about the discussion, I just didn't care. I stood up from my seat to go to the faculty room. Then when I was there, biglang nagtinginan sakin lahat ng teachers. "O-ohh" I whispered to myself nervously. Ayan dahil sa kalutangan mo, napapahamak ka tuloy! My head barked at me. "Uhmm.." I started, but trailed off. "Oh Ms. Francisco, why are you here?" si Ma'am Esguerra na isa sa mga mababait na teachers na kilala ko. Napakamot ako sa batok. "Ah ma'am, m-may ano-- uhm, I mean h-hinahanap ko po kasi si sir M-mendoza?" nabubulol kong sabi. "Ha? Eh naka-leave sya e. Hindi ba sinabi sa inyo ni sir Ramos?" tanong ni Ma'am na medyo nagtataka saka tumingin kay sir Ramos. "Uy sinabi ko sa class nila." sabi ni sir kay ma'am saka tumingin sakin "Didn't you hear my announcement Ms. Francisco. Nandun ka kanina diba?" Pinilit kong ngumiti. Pero deep inside, gustong gusto ko nang tumakbo palabas. Ayoko pa naman ng ganito na pinagtitinginan, at ng mga teachers pa ha? s**t, tanga mo talaga Josette. "Ahh m-medyo hindi ko po narinig? Sorry po sir." paghingi ko ng pasensya. Tumango naman sya. "Ayos lang. Ano nga pala kailangan mo kay sir Mendoza?" Napakagat-labi ako. Ugh. Think Josette. "M-may itatanong lang po sana ako s-sir. Medyo hindi ko po kasi naintindihan yung last discussion." pagsisinungaling ko. Parang nakaintindi naman sya. "Well, if that would be the case, ako na lang ang magtuturo sayo. Ano bang topic yun?" sabi ni sir na akmang kukuhanin pa yung book nya pero pinigilan ko kaagad. "Ahh s-sir!" pigil ko, medyo napataas pa yung boses ko. Tumingin sya sakin " n-next time na lang po siguro, hindi pa rin po kayo nakakakain. Sige po sir, mam. Alis na po ako. Thank you po." tuloy-tuloy na salita ko saka dire-diretso nang lumabas saka tumakbo palayo sa room na yon. Pagkatigil ko sa tapat ng CR ng girls, butil-butil na agad ang pawis ko. Tae, nababaliw na ba talaga ako?! Ugh! Pumasok naman ako dun para mag-refresh. Naghilamos ako ng mukha, saka gamit ang panyo ko sa bulsa, tinuyo ko ang mukha ko. Dun ko na rin chineck ang phone ko kung may nag-text ba. 5 messages received. I immediately opened the messages. 3 came from my loving bestfriend saying: "Bhez, asan k n nman? D mo n nman ako sisiputin?" Then two came from my mom asking me to go to the grocery later to buy food for dinner. I grunted. Problemado na nga ako, kailangan ko pa palang dumaan ng grocery mamaya. Hay buhay! Hayaan mo na nga, mahal ko naman ang nanay ko. After that, dumiretso na ako sa canteen then I saw bhez kasama ang boyfriend nya na si Alex pati ang bugok nitong bestfriend na si Nathan. Anak naman ng-- talaga bang lucky day ko ngayon? Ang saya ng life e! Kung hindi nyo kasi naitatanong. Kung merong pinaka sa pinakabugok sa mundong ibabaw. Tawagin nyo lang si Nathan. Because he is the best definition of that word. I mean, he could piss me to death! Mula first year, wala na syang ginawa kundi bwisitin ako, hanggang ngayon! At kung love birds ang mga bestfriends namin, pwes kami hinde! We're meant to hate each other. And yes. I really really mean it. I was just about to leave the place nang bigla akong tawagin ng mapagmahal kong bestfriend. "Bhez!!" sigaw nya. Oh boy! Here we go. Humarap ako sa kanila saka pilit na ngumiti. "Hi bhez, hi Alex." bati ko saka sumiksik sa tabi ni bhez kahit pandalawahan lang yung mahabang upuan nila. I intentionally ignored their other companion. Napa-roll naman ng eyes si bhez. As in heavenwards yung inikutan ng eye balls nya. "Bhez masikep" sabi ni bhez na bored yung look. It's like her saying, 'may upuan sa tapat di ka pa don umupo.' I ignored her then just like old times, nakikuha ako ng fries nya saka ngumuya. "Kanina pa kayo?" pag-iiba ko sa usapan. But yeah. Try harder Josette. Sabi ko nga hindi ida-drop ni bhez yung pagpapalayas nya sakin sa tabi nya e. "Bhez pandalawahan lang yung upuan." Umungot ako. "Naman bhez! Ayaw mo na ba akong katabi?" tampu-tampuhan kong pangungunsensya sa kanya. "alam mo kung ayaw mo naman akong katabi, ikaw na lang ang lumipat. Kami na lang ang tabi ni Alex." sabi ko sa kanya na ikinasama ng mukha nya. "Kapal bhez ha? Boyfriend mo?" sarcastic nyang tanong. "Tss! Possessive much? Hmp!" inirapan ko nga sya saka ako tumayo. "san naman ako uupo aber?" mataray kong tanong. Tumaas naman ang kilay ni bhez. "Bulag lang bhez? Ayan oh sa tapat mo." turo nya dun sa tabi ni Nathan. Napairap na naman ako. "Eh bakit sa tabi nya?" pagmamaktol ko. "Uhh...e kasi yan lang yung available na upuan?" "And so?" "Hay naku naman bhez! Just seat already, ok? Matatapos na yung recess, di ka pa rin tapos sa reklamo mo dyan. Libre nga ni Nathan yung fries na nginunguya mo e." sabi nya. Parang napahiya naman ako dun. Ugh! Bat naman kasi di sinasabi na pera pala nitong asungot na to yung pinambili ng fries na yon. Excuse me noh? Kaya kong bumili ng sarili kong fries. "Tss." sabi ko tapos umupo na din. No choice e. "Kita mo na. Edi naupo ka din." ...to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD