Shin’s POV I opened my eyes as I woke up. “Teka, nasaan ako?” Agad akong bumalikwas ng bangon. At nalamang nasa kuwarto pala ako ni Raffa Greyson. Ano ba’ng nangyari? Nasapo ko ang aking ulo at pilit inalala ang lahat. At nang may mga eksenang pumasok sa aking isip ay awtomatiko kong nasapo ang aking dibdib. Base sa aking memorya, tinamaan ako sa parteng ito ng dalawang palaso. Dali-dali kong sinilip ang loob ng aking suot na pajama top ngunit wala ni bakas ng pilat doon. “Mabuti naman at gising ka na?” Nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ng boses sa loob ng aking isip. The f**k! Mind link ba iyon? Pero bakit parang ngayon ko lang yata narinig ang pambabaeng tinig na iyon? I heard the owner of that voice snorted. “Ang bilis mo namang makalimot. It’s me, Q-Bi duh!” I gasped in s