“Are you all ready, guys?” Raffa asked everyone who’s inside the car. “Yes, Alpha!” they answered in an extra energetic voice. Napangiti ang leader ng Blue Moon pack at inistart na ang sasakyan. Fifteen minutes later, nasa kahabaan na sila ng highway patungong Howling Point kung saan gaganapin ang Packs Festival. Lahat sila ay sobrang excited dahil sila ang mga napiling lalahok sa game challenge na pakulo ng Wolf Community Council. Nagsimulang kumanta si Alley na nasa passenger seat. Sinabayan naman ito ng lahat. Sa gitna ng masayang pack’s theme song na Old MacDonald ay biglang napaisip si Raffa. “Guys, may naiwan ba tayo?” Nagkatinginan ang kaniyang mga pack members sabay kibit-balikat. Mukhang wala naman daw. Kaya nagpatuloy lang sa pagda-drive ang cool na alpha at itinuloy na rin