Shin’s POV Binuksan ko ang floor to ceiling sliding door ng balkonahe sa silid na kinaroroonan namin ni Ella. Sa totoo lang, masakit sa dibdib ang eksenang makikita sa ibaba. Buhat sa balkona-heng ito, napapanood ko ang matapang na pakikipaglaban ng mga babaeng pack members ng Blue Moon. Pilit na pinoprotektahan ng mga ito ang compound na nagsisilbing tunay na tahanan para sa kanila. And those evil rogues, ni walang pakialam ang mga mokong sa mga inosenteng nadadamay sa labanang ito. My heart twitched in pain. Gaya ng isang ina na inaapi ang kaniyang anak, ganoon ang nararamdaman ko sa oras na ito. I am deeply hurt to see my children fighting for their beloved home. “Ate Shin!” Napabaling ako kay Ella na tumatakbo palapit sa akin. Inutusan ko ito na kumuha pa nang maraming palaso. Kin