IMPOSSIBLE

1131 Words
Shin’s POV “A-anong sabi mo?” paanas na tanong ko kay Raffa Greyson sabay pilig ng aking ulo. Baka naman kasi nagkamali lang ako ng pagkakaintindi o pagkakarinig sa sinabi nito. A crooked charming smile appeared from the corner of Raffa Greyson’s lips as he stared at me more intently. Napalunok tuloy ako at hindi maiwasang mag-init ang aking mga pisngi. Paano naman kasi, hindi lang yata ang mga tsinitong mata ng binata ang tutunaw sa akin. Mas nakamamatay ang ngiti ng damuho. Muntik na tuloy akong magdrool kaya pasimple kong pinahiran ng isa kong kamay ang gilid ng aking mga labi. And I mentally sighed in relief. Okay, great. Walang tulo laway kaya safe ako sa embarassment. “I said live here with me for a month.” Pinutol ni Raffa Greyson ang aking pagka-ilang nang ulitin nito ang inilahad na proposition kanina. Then, embarassment finally happened as I fell down from the monoblock chair. Napatili ako sa gulat at napangiwi nang unang sinalo ng tiled floor ang aking pang-upo. “Oh, fuck! Ayos ka lang ba?” Agad na kumilos si Raffa Greyson mula sa kinauupuan nito upang tulungan akong makatayo. But I immediately got up and pushed him away. “Huwag mo nga akong hawakan, ungas!” I snapped and gave him a sharp glare. Nayakap ko ang aking sarili nang muli kong maramdaman ang kakaibang kuryente, na dulot ng paglapat ng aking mga kamay sa kaniyang dibdib nang itulak ko ito. I shivered as confusion filled my mind. What the hell was that? “Relax. I just want to help you.” Itinaas nito ang dalawang kamay habang umaatras nang kaunti. “I’m harmless,” dagdag pa nito. “Harmless, your ass! May harmless bang basta na lang nagsasabing gusto nitong makalive-in ang isang inosenteng dalaga na katulad ko?! Excuse me, Mr. Chinky Greyson—” “It’s Raffa,” pagtatama nito. “Whatever! Do you think I care about your lousy name, you jerk?! Para sabihin ko sa iyo, kahit ikaw pa ang pinaka-guwapong singkit na nilalang sa mundong ito, hindi ako hangal katulad ng ibang babae d’yan na madali mong makukumbinseng pumayag sa iniaalok mo, unggoy!” My gosh! Ako na isang inosenteng babae? At walang kahilig-hilig sa mga makamundong bagay? Mahal ko ang sarili ko at iniingatan ito. Hindi ako gano’n kadesperada katulad ng iba d’yan. Hah! Sorry, but this guy is dealing with the wrong woman! Kahit kamukha pa nito ang Korean actor na super crush ko, at kahit matangkad ito na weakness ko sa isang lalaki, hindi niyon mababago ang aking pagiging inosente. At ipinapangako kong pananatilihin iyon hanggang sa makaalis ako sa lugar na ito. Raffa Greyson shrugged. “Sa totoo lang, wala ka naman talagang choice. So, bakit pa nga ba kita tinatanong?” Then he grinned sheepishly that made me gulped. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nito. Dahan-dahang humakbang palapit sa akin ang kumag. Kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Awtomatiko naman akong humakbang paatras. “W-what are you doing? D’yan ka lang kung ayaw mong makatikim na naman sa akin!” banta ko rito at ikinuyom ang aking mga kamao. I could smell his masculine and very intoxicating scent that made me a little dizzy. Even my heart started to beat eratically again that I found it hard to breathe. Damn it. Ano ba’ng nangyayari sa akin? No guy from the history that made me feel like this. Napakalakas ng aura ng lalaking ito na unti-unting lumalapit sa akin. At hindi ko maiwasan na maka-ramdam ng kaunting intimidasyon dito dahil doon. Hanggang sa tuluyan ng natawid ni Raffa Greyson ang distansya sa pagitan naming dalawa. At natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa pagitan ng katawan nito at ng pader na malapit sa pinto. “Get off me,” natatarantang utos ko dito. Halos hindi ko na marinig pa ang ibang ingay sa paligid dahil sa matinding pagkabog ng aking dibdib. Raffa Greyson leaned forward and cornered me with his two arms. “Such a spitfire.” His chinky eyes scanned my face then smirked. Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod, ngunit pinilit kong huwag magpakita ng kahinaan dito. “Go to hell,” I spat at him in between gritted teeth. Pinilit kong kalmahin ang aking nagwawalang sistema at binigyan ito ng matalim at nakamamatay na titig. Ngunit tila mas lalo lang itong naaaliw sa aking reaksyon, dahil mas lumapad pa ang pagkakangisi nito. Tuluyan na akong napikon kaya muling umarangkada ang aking bibig. “Listen very well, Mr. Greyson. I will never be yours, so put that inside of your thick head, you perverted—!” Biglang naputol ang aking sasabihin nang walang ano-ano’y hapitin ni Raffa Greyson ang aking baywang. And what’s more shocking is when he grabbed the back of my neck. And to my utter horror, he licked the side of my lips. I gasped as something electrifying and ticklish sensation suddenly crept down my spine. “Mine,” Raffa Greyson growled. And before I could barely push him off me, he moved and claimed my mouth into a deep possessive kiss. What the heck?! Tinangka kong manlaban, ngunit tila nawalan ng lakas ang aking katawan dahil sa ginawa nito. Nanalasa ang mga bihasang labi ni Raffa Greyson sa aking bibig. He even slid his tongue inside of my mouth and explored every sweet corner of it. Hindi ko na napigilan pa ang pagkawala ng isang ungol mula sa aking lalamunan. And as he bit, licked and nibbled my lower lip, my arms suddenly lifted and encircled around his neck. Damn! He’s a good kisser. Nakakawala ng tamang pag-iisip. Matindi ang naging epekto sa akin ng ginagawa nito dahil natagpuan ko na lang ang aking sarili na handa ng gumanti ng halik at makipagtagisan dito. Kahit na wala sa isip ko ito at hindi ko alam kung paano. Ngunit bago ko pa man tuluyang magawa ang bagay na iyon ay biglang huminto si Raffa Greyson. Tinitigan ako nito sa aking mga mata bago magsalita. “The deal has been sealed. Now you are mine for a month, human.” Iyon lang at pinakawalan na ako nito. Humakbang ito patungo sa pinto at kaagad na lumabas. Naiwan akong gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nangyari. What was just happened? I took my arms back feeling embarassed and then blinked in disbelief. Shit! Did I just enjoyed the chinky jerk’s kiss? I shook my head. But as I rememerbered what he called me earlier, I deeply frowned. Tinawag akong “human” nito hindi ba? Pero bakit? Hindi ba ito tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD