Chapter 2

1048 Words
C2 Nagmamadaling lumabas si Dr. Harold sa operating room,at kaagad niyang sinundan ang babaeng akala niya ay si Liza, ngunit hindi na niya ito naabutan. Panay ang lingon niya sa paligid ngunit hindi niya makita ang babaeng kanyang hinahanap. "Doc, may hinahanap ka?" biglang tanong ng isang Doctor sa kanyang likuran. "Ah w-wala." sagot naman ni Harold. "May kailangan lang akong mga tanong sayo, Dr. Mazon, sa ginagawa nating pag-opera ngayon." wika ng kausap. "Sige." maiksing sagot ni Harold sa Dr. na kausap. Habang naglalakad sila papunta sa opisina ng Dr. ay panay pa rin ang lingon niya, nagbabasakaling makita niya ang babaeng nakasama nila sa operating room kanina, ngunit bigo talaga siyang makita. Pero wala rito si Liza sa bansa kaya malabong si Liza ang kanyang nakita si Liza lang ang alam niyang takot sa dugo, at gano'n ang reaction kapag may nakikita itong dugo. Sabagay babalik pa naman siya rito para tingnan ang pasyenteng in-operahan niya kanina. -- -- -- Nasa loob naman ng restroom si Liza at doon ay panay ang suka niya dahil sa nakita kanina, maraming dugo ang lumabas sa pasyente, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya kapag naaalala niya, bilib na bilib siya sa Dr. na kasama nila kanina na parang baliwala lang sa kanya, iisa lang ang kanyang naaalala si Harold, kung kasama lang niua siguro kanina si Harold ay may sermon na naman siyang matatanggap kapag gano'n ang kanyang nararamdaman. Ngunit alam niyang wala ito sa bansa dahil nag-aaral pa ito para madagdagan pa ang kaalaman nito. Kaagad na inayos ni Liza ang sarili, tapos na ang kanyang duty, kaya uuwi na rin siya, pakiramdam niya ay sobrang pagod siya sa unang araw niya. "Liza, sabay na tayo." ani Trix, dahil off duty na rin ito. "Sige, saan ka ba uuwi rito?" tanong ni Liza, habang naglalakad sila sa hallway ng hospital para lumabas. "Sa may Pasig pa ako, doon ako nagre-rent ng boarding house." ani Trix. "Ah, gano'n ba?" wika naman ni Liza. "Oo, ikaw saan ka dito?" tanong naman ni Trix kay Liza. "Diyan lang malapit-lapit lang din dito sa hospita." sagot naman ni Liza. "Ah sige, dito na ako mag-aabang ng masasakyan ko." ani Trix kay Liza at nagpaalam na ito. Tumango lang si Liza, bilang pagsang-ayon kay Trix. Naglakad naman si Liza muna sa park gusto muna niyang lumanghap ng sariwang hangin bago umuwi, baglalakad siya na parang nasa hangin, naalala pa rin niya ang kanilang ginawa kanina. -- -- -- -- Pauwi na rin si Harrold, dahil tapos na sila nag-usap ng isang Dr. na kasama na niya kanina. Habang nakasakay na siya ng kanyang kotse para umuwi na, ay naalala na naman niya kanina 'yong, babaeng kasaman nila. Malakas ang kutob niyang si Liza ang babae, pero paano kung hindi siya, mas lalung gumulo ang isip ni Harold, matagal na rin siyang walang balita kay Liza, mula noong naghiwalay sila noong kasal ni Luke at Wai. Saan na kaya ito ngayon. Bigla siyang napahinto dahil, nag red light na, muntik na niyang nahagip ang isang kotse sa kanyang harapan, habang hinihintay niyang maggreen light ay bigla siyang napalingon sa may gawi ng park, maraming mga tao roon, nang may nahahip ang kanyang mata na isang babae na familiar ang mukha nito. "Liza?" naiusal niya. Gusto na sana niyang bumababa para lapitan ang babae, ngunit bigla na itong nag-green light, panay na busina ang mga sasakyang nasa likod niya, kaya pinaandar na niya ang kanyang sasakyan, napasumtok siya sa manobela ng lingunin niya ang babae ay wala na ito. Hininto niya ang kanyang sasakyan sa may dulo, at kaagad siyang tumakbo sa lugar kanina ng babae kung saan niya ito nakita, nagbabasakali siyang makita pa niya ito, ngunit wala siyang nakita pa. "Umuwi na kaya si Liza?" tanong niya sa kanyang sarili. Napasabunot siya sa kanyang buhok at bumalik na sa kanyang sasakyan, para umuwi na. -- -- -- -- Dahil sa pagod ay kaagad na binagsak ni Liza ang katawan sa sofa at pinikit muna niya ang kanyang mga mata, ayaw muna niyang mag-isip ng kung anu-ano. Gusto muna niyang bigyang ng katahimikan ang kanyangb isip Wala pang sampung minuto ng biglang nag-ring ang kanyang phone kaya kaagad siyang napamulat ng mata, tiningnan niya kaagad kung sino ang caller ay walang iba kundi si Phrylle. "Hello, napatawag ka?" tanong ni Liza, at pinikit ulit ang mata, habang naghihintay ng sagot mula kay Phrylle. "Free ka ba sa sunday?" tanong ni Phrylle kay Liza, nag-isip muna si Liza, kung free ba siya bago niya sinagot si Phrylle. "Hmm... yes day off ko." sagot naman ni Liza. "Good, isasama sana kita sa party." ani Phrylle. "Ha? saang party?" tanong naman ni Liza. "Basta sumama ka, sure mag-eenjoy ka, may ipapakilala ako sayo, kaibigan ng asawa ko, at sure mag-eenjoy ka." masayang sabi ni Phrylle. "Gabi or umaga?" tanong ni Phrylle. "Gabi, seyempre." ani Phrylle. "Sige." sang-ayon ni Liza, dahil pang gabi ang duty niya sa lunes kaya makakapagpahinga siya sa umaga. "See you." masayang sabi ni Phrylle kay Liza. "See you too." sabi naman ni Liza, at binaba na nito ang linya. Ok lang na pinagbigyan niya ang kaibigan para naman malibang siya at maiba naman minsan ang kanyang mundo, wala namang masama kung pagbigyan niya ang kaibigan, wala rin naman siyang gagawin. Bumangon na siya at naglinis na ng katawan, para magluto na siya ng kanyang makakain. -- -- -- -- Magkakasama sina Harold at ang mga kaibigan, sa dating gawi nasa bar na naman sila nila Titus, kasama ng mga asawa nila. Pinagpa-planuhan nila ang party na kanilang gagawin sa sunday, birthday kasi iyon ni Olivia. "Ano Harold, wala pa rin bang ipapakilala sa amin?" biro ni Luke sa kanya. "Maghintay ka, dahil malapit na." sagot naman ni Harold, dahil alam niyang siya na naman ang pupulutanin ng mga kaibigan. "Siya nga pala may ipapakilala ako sayo." ani Phrylle kay Harold. "Sino?" tanong ni Titus kay Phrylle. "Basta makikilala mo, isasama ko siya sa sunday." nakangiting sabi ni Phrylle. alam ng mga kaibigan nila Harold na walang alam si Phrylle tungkol sa nakaraan ni Harold, na may mahal na itong babae. "Dali na sabihin mo lang ang pangalan." dagdag ni Matthew. "hum.. L-liza." paputol na sabi ni Phrylle.. "LIZA??!!!! sabay-sabay nilang tanong lahat.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD