Kabanata 56 Luna POV Nagising ako na madilim pa rin ang buong paligid pero sa palagay ko ay madaling araw na. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala na akong katabi sa kama, wala na si Axel sa tabi ko pero nandito pa rin ako sa kwarto n’ya. Bumangon ako at dahan-dahan umupo, itinakip ko ang kumot n’ya sa hubad kong katawan. “Napakatanga mo Luna,” sabi ko sa sarili ko. Hindi naman kasi dapat umabot sa ganito ang lahat kung pinigilan ko s’ya sa umpisa pa lang. Nandito lang naman ako para ipagluto s’ya ng pagkain n’ya hindi ako ang maging pagkain n’ya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para umabot kami sa puntong ganito ni Axel. Lahat ng sinasabi ko sa sarili ko kanina ay kinain ko lang dahil pumayag akong may mangyari ulit sa aming dalawa na hindi naman tama. Naalala ko pa r