Kabanata 47 Luna POV Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Axel ngayon para gawin niya ang mga ‘to. Bakit ba kasi hindi niya maintindihan na kailangan ko ng umalis para pumasok sa trabaho ko? Tiningnan ko s’ya ng masama habang nakatingin lang din s’ya sa akin. Mabilis akong bumangon sa kama n’ya kung saan niya ako hinagis ngayon lang. Hindi naman ako nasaktan sa ginawa niya dahil malambot ang kama pero hindi naman kasi ‘yon ang punto ko. Hindi niya dapat ako pinipigilan umalis dahil may trabaho ako at kailangan kong pumasok sa trabaho ngayon. “Stay there Luna!” mariing sabi sa akin ni Axel ng tumayo ako. Tiningnan ko s’ya ng masama, “Hindi mo ako aso Axel para utusan at sabihan ng kung anong gusto mong gawin,” sabi ko sa kanya. Mabilis akong kumilos para lumabas ng kwart