Kabanata 58 Luna POV Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n’ya, bakit naman kami magdedate na dalawa? Saka hindi naman kami at empleyado n’ya lang ako. Hindi tama na gawin namin ‘yon. “Ayoko. Boss kita at gagawin ko ang trabaho saka sabi mo kailangan ko pang pumirma ng kontrata,” sabi ko sa kanya. “We can do that later and as your boss I’m ordering you to go out with me,” sabi n’ya sa akin at nagsimula ng magmaneho. He is using his power to control me and I’m not happy with that. Ayokong umabot na naman kami sa puntong makakagawa na naman ako ng isang pagkakamali na paniguradong pagsisihan ko na naman. “I’m still not signing the contract Axel,” sabi ko sa kanya. “You have two choices Luna, sign the contract and follow my orders or quit your job,” sabi n’ya sa akin. Tiningnan