Kabanata 43 Axel POV Naghintay lang kami dito sa living area ng unit Caius habang tinutulungan n’yang ayusin si Eireen sa mga gamit nito. Naging mabuti pa nga ang pagpunta ko dito dahil nakita ko na si Luna at bukas sa akin na s’ya magtatrabaho kaya napangiti ako. “Axel your so creepy these days,” sabi ni Karter sa akin kaya tiningnan ko s’ya ng masama. “He’s right Axel, since you met that woman, you stated to smile” sabi naman ni Grant sa’kin. “Iba tama sa’yo ni Luna, Axel. Hindi ka naman ganyan kay Reah dati pero good sign ‘yan wag lang masyado kasi muka ka ng tanga,” sabi ni Karter sa’kin kaya naman binatukan ko s’ya. “Gago,” sabi ko sa kan’ya. Hindi naman talaga ako ganito pero simula noong nakilala ko si Luna unti-unti akong nagbabago. Maykakaibang epekto sa akin si Luna.