Kabanata 51 Luna POV Ipinagpatuloy ko na ang trabaho at sinigurado ko rin na nagagawa ko iyon ng maayos, ayokong magpaapekto sa mga pumapasok sa isipan ko dahil hindi naman tama ‘yon. Mga walang saysay ang naiisip ko dahil mali ang mga ‘yon. Hindi ko dapat naiisip ang nangyari sa amin ni Axel at kung paano n’ya ako halikan sa tuwing nagkikita kami dahil amo ko na s’ya ngayon at hanggang ‘don na lang ‘yon. Ayokong umabot ako sa punto na may pagsisihan ako sa huli dahil sa mga magiging desisyon ko. Ang mahalaga sa akin ay ang buhay namin ng kapatid ko at wala ng iba pa. Doon lang umiikot ang buhay ko kaya dapat hindi ako magpaapekto sa mga ginagawa ni Axel sa akin. I think I should start calling him Sir Axel dahil amo ko na s’ya. “Luna pinapatawag ka ni Ma’am Eireen sa opisina n’ya,” s