Kabanata 65 Luna POV Simula noong nang galing kami sa site ay mas gumaan pa ang loob ko kay Axel at hindi na s’ya ganong kasungit ngayon, noong unang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay sobrang sungit n’ya talaga at akala ko ay hindi s’ya mabait pero mali pala ako. Naalala ko tuloy noong minsan na unang beses n’ya akong isinama sa opisina n’ya, nahihiya talaga ako sa mga tao ‘don dahil bago pa lang ako pero ng makilala ko ang mga empleyado ni Axel ay ang babait nila at naikwento rin nila sa akin kung paano pinapatakbo ni Axel ang kompanya n’ya. Naging magaan na rin nga ang loob ko sa mga empleyado ni Axel dahil na rin hindi sila mahirap pakisamahan at sa isang linggo na pagtatrabaho ko kay Axel ay maayos naman ang lahat at hindi ganun kahirap ang trabaho hindi tulad ng iniisip ko noong