Kabanata 72 Luna POV Maaga akong nagising kinabukasan at ganon na rin si Eireen na katabi kong natulog sa kama n’ya, sabi ko nga sa kanya ay sa lapag na lang ako o kaya ‘don sa couch n’ya pero hindi s’ya pumayag at gusto n’yang tabi kaming matulog na dalawa, wala naman na akong nagawa kung hindi ang pagbigyan s’ya sa gusto n’yang mangyari. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang ginawa ni Axel pati na rin ang mga sinabi ni Eireen sa akin kagabi, alam ko naman na mabait si Axel pero hindi ko dapat ginagawang kampante ang sarili ko saka malabong mangyari ang sinasabi ni Eireen na magugustuhan ako ni Axel. Sa pagkakakilala ko kasi kay Axel hindi s’ya ung tipo ng lalaki na mahuhulog sa isang tulad ko na babae kaya hindi na rin ako dapat umasa sa mga sinabi ni Eireen sa akin. “Luna aali