KABANATA 21 NAGISING ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa kusina. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang baril na nakatago sa cabinet. Bigay sa'kin iyon ni Teo nang pumunta siya rito sa condo unit. Mahigpit ang hawak ko sa gantilyo ng baril at dahan-dahan akong nagtungo sa kusina. Pagpasok ko roon. Nawala ang kabang naramdaman ko at napalitan ng inis. "Good morning Peklat!" nakangiting bati sa'kin ni Zyrus. Isinandal ko ang likod ko sa may pintuan ng kusina at nakapahalukikip akong nakatingin sa kanya. "Paano ka nakapasok dito sa loob ng condo unit ko?" Nakataas ang dalawang paa ni Zyrus habang kumakain siya na naka-kamay. "Dumaan sa pintuan. Hindi naman ako galing sa konoha para makapasok agad." "Hindi ako nakikipaglokohan." Inis kong sabi. Nakakaloko siyang ngumiti sa'kin.