"Tama, bilang isang mamamayang Pilipino, dapat tayo ay marunong sa pag-iimpok at pamumuhunan nang sa gayon ay makatulong sa pagpapalago ng ating ekonomiya. Ngayon, sino sa inyo ang nakakaalala kung ano ang kahulugan ng pag-iimpok?" Iilan mula sa honour students ang nag-recite, including Vien and Tristann, and the teacher chose the latter to answer. "Ayon sa inyong tinalakay sa amin kahapon, ang pag-iimpok po, cher, ay isang gawain ng pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sa pamilihang pinansyal tulad ng insurance, bangko, kooperatiba, stock market, at pawnshop." "Tama. Magaling, Tristann." Kung dati-rati din ay si Vien ang favorite reciter ng kanilang mga guro, ngayon para bang nahati na't naging dalawa na sila