She couldn't help but smile at his photos. Buti na lang hindi ito naka-lock profile o naka-private. At least, malaya niyang nai-stalk. May mga pictures ito kasama ng mga friends and classmates nito at mukhang happy and outgoing person si Lemuel. There were also photos of him na solo while wearing that soccer uniform na kagaya no'ng una niya itong makita. Pogi, as ever! Nagdalawang-isip siya kung iki-click ba ang friend request o hindi. Hindi naman kasi niya gawain ang mag-send ng friend requests lalo na sa mga naging crush niya, but this time she wanted to be braver. Mariing pinikit pa nga ang mga mata bago pumindot at pagkadilat ay request sent na nga. Relax, Sheryll… Hayan at sent na! Iniwan saglit niya ang cellphone para mag-half bath at magpalit na ng pantulog at nang tingnan ulit