Ang totoo niyan, she used to be in that good situation, too. A long time before… "Congratulations, bunso!" masayang sinabi ng daddy niya pagkalagay ng medalya niya at saka binuhat siya. Ang mommy naman niya sa kabilang gilid ay maligaya at proud na proud na hinalikan siya sa kanyang pisngi, and then the camera clicked. Nakuha ang napakaganda at napakamakabuluhang litratong 'yon ng isang solid na pamilya. NOON. Kaga-graduate lamang niya ng Kindergarten no'ng mga panahong 'yon, but as time and years passed by, napakaraming pagbabago ang mga nangyari. Mga pagbabagong hindi niya inaasahang makakaapekto nang labis at siyang nagdudulot ngayon ng malungkot at masalimuot na buhay sa kanya… Just a month after that happy Kindergarten graduation, inatake sa puso ang kanyang ama dahilan ng mabilis