May kapayatan ang katawan niya kung kaya't alam niya sa kanyang sarili na kahinaan din talaga niya ang physical activities like volleyball o kung ano pa mang sports. Oppositely, si Tristann ang sanay sa mga pisikalan kaya, basically, easy peasy at halos sisiw lamang para dito at kay Darren ang mga 'yon. "Go, Imperial!" Darren cheered her so loud habang nakaupo ito sa bleacher ng close gym kung saan nagpa-practice sila para sa kanilang P.E. Nakatoka na kasi siya at nasa pinakaunahang linya na dahil turn na niya ng pagwa-warm up sa bola. Kaasar pa dahil ang inatasang mag-lead ng warm up ay walang iba kundi ang kaklase nilang si Lee! Andoon kasi ang guro nila sa P.E sa bleacher at nagpapahinga saglit. Pinanunuod at mino-monitor ang performances ng bawat estudyante, kaya nag-utos muna ng i