Kung dati rati'y pamamasyal at food trip sa canteen ang kanilang gawi tuwing vacant period, ngayong third year na sila'y hindi na ganoon at madalas nang nasa loob ng library, kasi heto nga, Thesis pa more! "Hay, buti ka pa, Vien! Wala kang kaproble-problema sa Thesis partner mo! Bukod sa parehas kayong matalino ni Tristann, eh, parehas din kayong masipag at full effort sa ginagawa ninyong outputs," malungkot na sabi ni Sheryll habang nakapangalumbaba. Eh, paano ba naman kasi'y ang partner nitong si Suzy, bukod sa mahina na nga'y tamad pa at wala ring ambag. Puros halos lahat ay kay Sheryll. Para ding solo flight at walang partner kasi ito naman ang gumagawa ng lahat. Napasulyap saglit si Vien sa partner niyang si Tristann na tutok sa laptop nito. Hindi niya maiwasang manlambot. Kung tut