Pakiramdam kasi niya'y may kung anong bolta-boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang mga ugat sa pagdadaiti ng kanilang mga balat. Hindi rin niya mawari kung bakit parang naghuhurumentado ang kanyang puso! "Oo na! Sige na! Sasakay na ulit ako sa kotse mo!" aniya habang nakaiwas ng tingin at pinatitigas ang tono pero ang totoo'y humupa na talaga ang kanyang galit. Puso na lang talaga niya ang hindi niya mapigil-pigil sa bilis ng pagtibok! Parang sira, eh! Nagliwanag naman ang mukha ni Tristann. "Talaga, Vien? Sasakay ka na ulit?" "Oo! Basta tandaan mo, huwag na huwag mo na ulit gagawin 'yung ginawa mong kalokohan kanina! Naiintindihan mo ba?" "Oo, oo, Vien. Pangako, hindi na ulit. Hindi ko na uulitin 'yon." "Mabuti!" sabi niya sabay talikod dito at nagmartsa na patungo sa sasa