Mclaren's POV "Good morning, Sir," bati ng aking sekretarya na may kasama pang pagpapa-cute habang akala mo ay sinapak ang kanyang nguso at magkabilang pisngi dahil sa sobrang pula nito. "Saang birthday party ka pupunta?" nakangiwi kong tanong sa kaniya nang matapat na ako sa kanyang mesa just next to my office door. "H-ha? Ano po 'yun, Sir? B-birthday? Aahh...'yung beshy ko po! Birthday niya po today, Sir and she promised me na iti-treat niya daw po ako mamaya," sobrang saya niyang sagot sa akin. "Aah..kaya pala mukha kang clown?" Humaba ang kanyang nguso sa aking sinabi. "Sir naman eh, hindi naman po eh." "I feel sorry for your parents. Tsk. Tsk. Tsk. All your salary here ay parang sa mga pampaganda at pampaarte sa katawan mo na lang lahat napupunta." "Po? Pakiulit nga po, Sir. E