"Baby, huwag mo 'kong pinagbibintangan ng ganyan," mariing bulong sa akin ni Mclaren. "Bakit? Hindi ba totoo?" bulong ko rin sa kaniya habang may pang-uusig na tingin sa kanyang mga mata. "Of course not! I have no other woman but you," sagot niya rin naman sa mas mariin niyang tinig pero pabulong. "Really? Eh noong bago tayo magkakilala?" "Baby, iba naman 'yun? Wala ka pa noon." "Eh 'di mayroon nga!" Hindi ko napigilang magtaas ng aking boses pero nananatili pa ring pabulong. Para kaming mga tangang nagbubulungan dito sa aking silid at iniingatan na hindi kami marinig ni Empress. "Baby naman, those are just fling at saka noon lang iyon. I haven't had anything like that since you came into my life." "Just make sure, Mr. Mclaren Lewis Garland because if not.....?" Bumaba ang aking