SAM POV "Oh celine ikaw pala. May kailangan ka?" Nagpalinga-linga pa ito sa paligid bago ako harapin. "Pasensya na Sam pwede bang magtago muna ako dito? Don't worry saglit lang ako dito." "Bakit ka naman magtatago? Ano bang meron?" Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Nang makapasok siya agad ko iyon isinara. "Pasensya na sam sa istorbo kailangan ko lang talagang pagtaguan si Marcus." Saad nito. Pinaupo ko si Celine sa couch. Pumunta muna ako sa kitchen at kumuha ng pwede n'yang imiryenda. Pagkalapag ko ng miryenda sa glass table. I sit beside her. Tahimik lang ito at nakatungo. Kanina lang habang nagbibihis ako ng may kumakatok sa pinto at naabutan ko itong si Celine na galing pa ata sa pagtakbo. Hingal na hingal ito ng mabungaran ko. Nagkatinginan kami ng may malalakas na kat