CHAPTER 2

1567 Words
SAM POV Kinakabahan ako kung ano ang kalalabasan ng pagluwas ko para makita at makasama ang magulang ko. Nasa harap ako ng bahay namin pero hindi kumikilos ang paa at kamay ko para makapagdoorbell at ipaalam sa kanila na nandito na ako. Nakita kong lumabas mula sa front door si nanay lordes. nanlalaki ang matang napatingin siya sa direksyon ko. Kumaway ako sa kanya at agad naman s'yang tumakbo sa gate para pag buksan ako. "Diyos ko ikaw ba yan samantha?" pinagbuksan niya agad ako ng gate at agad ko s'yang niyakap ng mahigpit. Matagal ko na silang hindi nakikita. "Opo, ako nga po" pinahid ko ang luhang naglandas sa kaliwang mata ko. namiss ko siya. Naging pangalawang ina ko na rin si nanay lordes simula ng maging busy ang magulang ko. "Saan ka ba nang galing at ngayun ka lang nakauwi dito? Pinag-alala mo ang magulang mo" saad niya. napayuko ako dahil sa hiya. Hindi ko naramdaman na naging importante ako sa magulang ko. ang mahalaga lang sa kanila ang negosyo nila. Hinaplos haplos niya ang buhok ko ng magtama ang aming paningin. ngumiti siya sakin. "Pasok na tayo matutuwa ang magulang mo dahil narito ka na" lumakad na kami, lalo akong kinabahan. Napansin ko sa garahe ang bagong sasakyan. bumili ba sila ng mga panahong umalis ako? Napatingin din si nanay lordes sa garahe. "May bisita kaya may sasakyan na nakaparada d'yan" Tumango ako at hindi na umimik pa. Pagkabukas ng pinto sa front door. agad kaming nagpunta sa living room. kung saan na roon ang magulang ko. Nakarinig ako ng nagtatawanan at tila naitulos ako sa aking kinalalagyan ng makita ko ang taong kahit kailan ay ayaw ko ng makita pa. Natigilan naman sa pagtawa ang magulang ko at agad napatingin sa direksyon namin ni nanay lordes. Tumayo sa pagkakaupo si mommy at niyakap ako ng mahigpit. hindi na ako nag-abala pang yakapin siya pabalik. tumayo rin sa pagkakaupo si dad at siya naman ang yumakap sakin. Gulat na napatingin sakin si zack at bea. Di nila siguro akalain na sa nakalipas na taon magkakaharap harap kaming tatlo. I sit beside of mom sa mahabang sofa while si zack and bea naman ay nakapaharap samin nakaupo din sa mahabang sofa. Sila tita marian at tito simon naman ay sa pang-isahang sofa nakaupo. Tahimik ang lahat at wala ni isa samin ang sumubok na magsalita. "Anak saan ka ba nang galing at ngayun ka lang nakauwi? Di mo lang alam kung gaano kami nag-alala sayo at baka napano ka na" sabi ni dad. "Sorry po dad nagpunta po ako ng ilocos at doon nanirahan. Sorry kung ngayun lang ako nakabalik" Napalingon ako sa katabi ko na si mom. "Mom may sakit ka? Anong sakit 'yun?" Napa kunot noo naman siya "sinong may sabi na may sakit ako?" Tanong niya naguluhan ako. Akala ko ba may sakit s'ya? "Sinabi ko 'yun anak para maisipan mo kaming bisitahin" sabi ni dad. nagbaba ako ng tingin. "Kamusta ka na samantha?" Tanong ni tita marian. "Okay naman po" Hindi na sila nagtanong pa. siguro naramdaman nilang ayokong pag-usapan ang buhay ko ng panahong umalis ako. "So bestfriend kamusta ang buhay?" Tanong ng babaeng kahit kailan hindi ko papangaraping maging kaibigan muli. Gusto ko sanang sabihin na. 'maayos ang naging buhay ko salamat sa panloloko n'yo sakin' "Okay naman, Marami akong nakilalang mga TOTOONG KAIBIGAN na handang protektahan at ituring akong totoong kapatid nila. Hindi yung mga pekeng nakikipagkaibigan lang dahil may kailangan sila sakin" peke ang ngiting pinakita ko sa kanya. "Ano ba ang rason at bakit nagdisisyon kayo ni zack na maghiwalay?" Napatingin ako kay dad. I know zack don't let them know about the real reason why we ended like this. Ang kapal ng pagmumukha niya. why he didn't let them know the truth? "Hindi na po kami masaya kaya napadisisyonan namin tito na maghiwalay na lang pero we're still friends right sam?" Sabi ni zack. Sinungaling saad ko sa isip. Napaka-lame naman ng reason niya. natatawa na lang ako. I just nod.. go with the flow na lang ako. bakit nakakaramdam ako ng biglang pag kirot ng puso ko? Wala na talaga ako sa buhay niya. nakuha pang lokohin ang magulang ko. "Ang pamilya iho at ang pagpagpapakasal iniisip ng mabuti iyan. Hindi laro ang magpamilya na kapag hindi na masaya bibitaw ka na at makikipaghiwalay sa kapartner mo. dapat inisip n'yong mabuti kung kayo ba talaga ang para sa isa't-isa." Nahihimigan ng pagkadismaya ang bawat salitang namutawi mula kay mom. Kinuha ko ang juice na nasa glass table at uminom. feeling ko natuyo ang lalamunan ko dahil sa usapan nila. Nanlalamig ang buong katawan ko. "Sayang ang pamilya niyo. hindi pa kayo nagkaanak matagal na namin gusto na magkaroon ng bata para maalagaan." Napasamid ako ng iniinum na juice dahil sa sinabi ni tita marian. Kung alam lang nila.. Biglang nagring ang phone ko. inilabas ko iyon sa bulsa ng jeans na suot ko. Si vince ang tumatawag. Napatingin ako kay dad para ipaalam na sasagutin ko lang ang tawag. "Dad sagutin ko lang to" tumango siya. "sige, wag ka ng lumayo" sagot ni dad. Nasa living room pa rin ako medyo lumayo ako sa kanila. Nakikita kong nakatingin silang lahat sakin. "Hello vince? May problema ba?" "Sorry samantha si zhaira kasi kanina pa ako kinukulit gusto ka raw n'yang makausap" Napatawa ako. ako din naman namimiss ko na si zhaira. "Hello mommy namimiss na po kita" narinig kong sabi ni zhai. "Hello baby namimiss na din kita. remember na one week lang ako dito. don't worry tatawag ako lagi para hindi mo ko sobrang mamiss." "Really? Yehey! I love you mommy" "I love you too. sige na kakausapin ko pa ang parents ko bye" pinatay ko na ang tawag. Bumalik ako sa kinauupuan at hindi maialis ang pagkakangiti. "Sino si vince anak?" Tanong ni Dad. Napalunok ako bago sagutin ang tanong niya. "Friend ko dad" sagot ko. "Meron bang friend na nagi love you-han sa isa't isa?" Sabat ni bea. "Yes kami" ngumisi ako. "Kaibigan mo ba talaga 'yan o kasintahan mo?" Kinikilig na saad ni mom. napailing ako. "Hindi mom kaibigan ko lang si Vince" Nagpaalam muna akong pumunta sa hardin. Gusto kong makahinga. hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan pa rin ako dahil sa pagkakalapit ni Zack at Bea. Nagmove on na ako, bakit parang hindi pa? "bakit ka pa bumalik? Sana hindi ka na lang bumalik. masaya na kami kahit wala ka" humarap ako kay bea at binigyan siya ng nag-uuyam na tingin. "Really? Natatakot ka ba na makuha sayo ang dapat na sa akin? Haha ang kapal din ng pagmumukha mo bea. lahat ng kaligayahang nararanasan mo ngayun ay dapat na sa akin!" lumakad siya hanggang sa makarating ang kinaroroonan ko at sinampal ako. Gumanti ako ng sampal. Nakita kong lumapit sakin ang magulang ko at sinampal ako ni dad. napamaang ako sa ginawa niya. Gulat na tinignan ko siya. "bakit mo sinampal ang kaibigan mo? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan. ang manakit ng ibang tao! Yan ba ang natutunan mo ng mga panahong umalis ka?!" tumaas ang boses ni dad. Napahalak hak ako ng makita kong napayakap si bea kay zack at inaalo ito. Napapaawa effect para mag mukhang inosente. tinuro ko ang babaeng higad. "tell them the truth!" sigaw ko sa kanila. Humarap ako sa magulang ko. nanlilisik ang matang nakatingin sakin si dad. Masakit na ibang tao ang kinakampihan niya kaysa sakin. "You will never a father to me. kahit kailan hindi ko naramdaman na naging magulang ko kayo! Yang kinakampihan mo na 'yan?! Siya, siya ang sumira sa pamilya namin ni zack. alam niyo kung bakit? Inagawa niya sakin ang asawa ko. Ilang beses ko silang pinatawad dahil mahal ko sila pero ano? Inulit ulit nila ang pang loloko sakin ni isa sa inyong magulang ko hindi alam 'yun. Di nyo alam lahat ng pinagdaanan ko!" pinahid ko ang luhang naglandas sa mga mata ko. "aalis na ako tutal hindi ako naging parte ng pamilyang ito" VINCE POV "hey you look sad. What's wrong?" I asked zhaira. She look away and pout, I laugh because of her gesture. "I miss mom." "Is that so? Don't worry she will be back soon. Let's wait for her until she came back okay?" She nod. "But Tito vince I miss mommy so much. Can we visit her in manila?" I pat her head. "That's not a good Idea, your mom will get mad at me" nabahiran ng lungkot ang kanyang mga mata. "Okay ganito na lang tawagan natin siya para kahit papaano mabawasan ang pagkamiss mo kay samantha. Okay lang ba sayo?" I asked. Tumango siya bilang tugon. We called samantha ilang ring pa bago nito nasagot ang tawag. "Hello vince? May problema ba?" Tanong nito. "Sorry samantha si zhaira kasi kanina pa ako kinukulit gusto ka raw nyang makausap." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na gustong sumunod ng bata sa manila. Baka magalit pa to sakin, narinig ko ang mahinang tawa niya. Ibinigay ko kay zhaira ang phone para makausap ang ina." Hello mommy namimiss na po kita." Nakamasid lang ako sa bawat galaw ng bata. May gumihit na ngiti sa kanyang mga labi. "Really? Yehey! I love you mommy." Aniya. Nagpaalam na siya sa mommy niya at iniabot sa akin ang phone. "Do you feel better now?" She nod and smiled at me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD