SAM POV Hinilig ko ang ulo sa balikat ni Zack. Habang nakapalibot naman sa bewang ko ang isang kamay niya. Nakaupo ako patalikod sa kadungan ni Zack. Hindi ko naman magawang umangal dahil siya pa rin ang masusunod. Pagkagising namin ay kinandong niya ako. Aaminin ko na gusto ko ang lahat ng ginagawa ni Zack. Kaya siguro hindi ko magawang umagal sa lahat ng gusto nyang gawin dahil eto ang nakasanayan namin ng mga panahong mag-asawa kami. Nakakamiss na sa tuwing gigising ka ang taong mahal mo ang syang agad na mabubungaran mo. Mga paglalambing sayo. Mga halik at yakap na unang gagawin bago asikasuhin ang dapat na iba pang gawain. Kanina niya pa hinahaplos ang mahaba kong buhok. Panay ang halik sa noo ko. "I love you sam." Aniya. Napakagat-labi ako para hindi sumupil ang ngiti at kili