SAM POV Pagkabukas ko palang ng pinto. mga malalawak na ngiti ang sumalubong sakin sa loob. Napangiti ako ng makitang lahat sila ay nandito. Inihakbang ko ang mga paa at tyaka sila binigyan ng mahigpit na yakap. Sobra ko silang namiss. di ko akalain na ilang taong pagtatago ay babalik din ako sa lugar na to kung saan kasama ang mga taong tinuring kong hindi na iba sa akin. "Mabuti naman po ma'am samantha nakabalik ka na po dito kasama namin. panigurado babalik na sa dati ang takbo nitong cafe." nakangiting pahayag ni camille. "Salamat sa inyo dahil hindi niyo pinabayaan itong cafe habang wala ako. thank you guys" sabay- sabay silang tumango at ngumiti sa akin. "Alam naming pinakaiingatan niyo po itong cafe ma'am dahil ito ang unang negosyo niyo ni sir zack ng mga panahong mag-asawa pa