SAM POV "Ma'am may tumatawag sa phone mo." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita. si chris pala. Nasa malalim akong pag-iisip kaya siguro hindi ko napansin ang pagtunog ng cellphone ko. May tatlong araw na rin simula ng huling pag-uusap namin ni zack. Di ko alam ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpupunta dito. Nagsawa na ba siya? 'Yan ang laging tanong ko sa tuwing maalala ang pag-aaway namin. Akala ko pa naman hindi siya susuko sa akin hanggang salita na lang ba siya. Hindi ko naman magawang tawagan si zack para malaman kung ano na ang nangyare sa mga binitawan nyang salita. Bahala na kung ano man ang maging resulta ng lahat ng ito. Kung sakali man na gawin ni Zack ang mga sinabi niya. handa na akong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin. Pero kung talagang wala na. hahayaan