SAM POV "Ma'am samantha kung gusto mo po tawagan na namin si sir zack para hindi ka na mahirapan kakalingon at sulyap sa pinto HAHA" sabi ni chris at Sinabayan pa ito ng tawa. "Ano bang pinagsasabi mo chris.." patay malisya kong tanong sa kanya. "Naku ma'am samantha halata po sa inyo kung bakit kada bubukas ang door nitong cafe napapalingon ka.." sigunda naman ni trina. "Kasi inaabangan ni Ma'am si sir zack" sabay sabay nilang sabi sabay halakhak. Nahihiyang napayuko ako ng ulo at tinampal ang noo. ano bang nangyayare sakin? Masyado ba akong obvious? "Yiee si ma'am miss na si sir zack.." pang-aasar pa nila lalo sa akin. "Hindi ko siya miss okay.." ibinaling ko ang tingin sa harap ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga upuan na nagulo dahil sa isang customer na nagmamadaling umalis.