SAM POV Malungkot na niyakap ko ang magulang ko. Natapos na ang isang linggo na pananatili ko rito. kailangan ko ng bumalik sa Ilocos para makasama ang anak ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na may anak na ako. "Mom,Dad mahal ko po kayo." Nakangiting sambit ko. "Mahal ka din namin anak. Kailangan ba talagang umalis ka ulit?" Marahan akong tumango. "Yes mom hindi ko po pwedeng iwan ang Cafe ko sa ilocos. tama na po yung one week akong nawala roon. kailangan na po ako doon lalo na maraming mga maaarte na costumers" Mahina akong natawa dahilan para mapangiti sila. Niyakap ko silang muli at naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Dad sa noo ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Ayaw pa sana akong payagan ni mom pero nagrason na lang ako na madaling makakapayag sa kanya. Bibisitahin ko pa rin na