ZACK POV Nagising ako dahil sa pagpugpog sa akin ng halik ni zhaira sa buong mukha ko. Ningitian ko siya at bumangon na ako. "Good morning Papa King." Greet n'ya sa akin. Niyakap ko si Zhaira. "Good morning my princess." Nagdisisyon kaming tumayo na sa kama. Pinaligo ko na si Zhai para ready na kapag pupunta na kami sa hospital para makita ang mommy niya. Nang matapos ko s'yang bihisan ay ako naman ang naligo. Iniwan ko muna sandali si zhaira. Naglalaro siya ng barbie ng pumasok na ako sa banyo. Mabuti na lang at nandoon ang magulang ko para bantayan muna si Sam. Pinakain ko muna si zhaira bago kami umalis. Sinigurado kong nakalock ang pinto ng bahay para walang makapasok na magnanakaw. Pinapasok ko sa loob ng kotse si Zhaira. Binuksan ko ang gate para makalabas kami. Kasalukuyan