SAM POV "Samantha kumain ka na. Baka lumamig yang pagkain mo." Bahagya akong napalundag sa gulat ng magsalita si ate sab. Wala akong ganang kumain. Tatlong araw na kami dito sa bahay ni ate sab. Magmula ng araw na dumating kami dito ay wala ako sa sarili. Oras-oras Tinatanong sakin ng anak ko kung kailan kami uuwi dahil miss na miss niya na ang daddy n'yang si Zack. Ang dahilan ko na lang busy ang daddy niya kaya hindi namin ito makasama. Ayokong sabihin sa kanya na may problema kami. Wala na akong balita kay Zack. Hindi pa siya nagpunta dito para malaman kung narito kami sa bahay ni ate sab. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang naganap sa bahay ng magulang ni Zack. Hindi pa rin ako makalimot sa ginawa niya sakin. Nagawa niya akong sigawan ng dahil lang sa babaeng 'yun. Mas kilala