Zeth PATULOY ang aming paglalakad sa isang malawak at madilim na kagubatan. Nakahanda ang mga sarili namin sa kung ano man ang bagay na kakaharapin. Maya-maya lang, isang malakas na hangin ang dumampi sa aming katawan, dahilan upang kami ay mapapikit dahil maging ang mga dahon at alikabok at tumapon sa aming mukha. "Nararamdaman ko na hindi tayo pinapaunlakan sa lugar na ito. Huwag kayong mag-alala, nandito ako at ako na ang bahala," sunod-sunod na wika ng kasama naming si Keith. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip kung bakit nakuha ng mga bampira na talikuran siya. Mukha naman siyang responsableng hari. Marahil ay sawa na rin talaga ang iba sa pagkain ng dugo ng hayop, ngunit ito rin naman ang makabubuti sa kanila. Maya-maya lang, mabilis na napalingon si Keith sa aming likuran at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


