Kabanata 2

2095 Words
            Halos kalahati na ang naiinom ni Lyca sa kanyang iced latté ay wala pa rin ang hinihintay niya. Tumingin siya sa kanyang relo. Mukhang mauubos na naman niya ang inorder ay hindi pa rin nagpapakita si Zeth. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kanyang upuan.             Sabagay. Dapat nga pala ay masanay na siya dahil nitong mga nagdaan nilang mga dates ay lagi itong late. Kung hindi naman late ay magtetext ito or tatawag sa  kanya na hindi na makakapunta dahil maraming nakahilerang kliyente.             She sighed again. Hindi niya alam kung ilan ng buntong-hininga ang nagawa niya pero kumbinsido siya na naiinip lang siya at hindi dahil ng iba pang dahilan.             She picked her phone from her bag and decided to text him. Aba. Hindi naman pwede na maghihintay na lang siya forever don. Marami pa rin siyang kailangang gawin. Sobrang naiinip na siya, sa katulad pa niyang gustong-gusto ng matapos ang lahat.             Ngunit wala pang ilang minuto ay nagreply ito na tatapusin na lamang ang ginagawa at papunta na sa kanya. Nadismaya siya.             Madali na lang 'to? Grabe. Ano bang ginagawa niya?             Sa inis ni Lyca ay tuluyan na nga niyang naubos ang iniinom na pangalawa na nga niyang order.             "Lyca!"             Humahangos si Zeth ng makalapit sa kanya. Habol-habol pa rin nito ang paghinga niya hanggang sa nakaupo ito sa lamesa nila. She stared at him, her eyes already searching for something.             "Pasensya ka na. Sobrang traffic.." Inayos nito ang manggas at kwelyo sa polong nagusot. Pero di nakaligtas kay Lyca ang tila, pulang mantsa sa parting leeg nito. Lipstick.             "O-Okay lang.." She gripped the empty glass of her coffee.             Did she just.. stutter?             Nashock pa rin nga siya?             "Um-order ka na ba? Hm?" Kinuha ni Zeth ang menu na nakapatong sa table at tiningnan rin siya. "I'll order you food. What do you want?" He flashed her a smile.             "No. It's fine.." She gathered her breath. Hindi pwedeng maging apektado pa rin siya. Afterall, she’ll be the one who’ll end this. "Hindi naman 'yon ang ipinunta natin dito.. di ba?"             Tiningnan niya ng diretso ang kasintahan. Tumingin rin ito sa kanya pero hindi gaya nang sa kanya. Malilikot ang mga mata nito na para bang may itinatago sa kanya. Napangiti siya.             Boi, matagal ko ng alam.             "Zeth.. let's end this.." - - - - -             Isinandal ni Lyca ang ulo niya sa bintana ng bus na sinasakyan niya. Swerte pa rin siya at nakaabot siya sa papaalis ng bus. Kung hindi ay maghihintay pa siya para mapuno ang kasunod na pila. Ayaw naman niya iyon dahil nakakainip at gustong-gusto na niyang umuwi at matulog.             She opened her bag and sighed again. Malas pa nga. Kung kailan gustong-gusto niyang mag-emote at makinig ng music ay siya namang iwan niya ng airpods sa bahay.             Hindi ako broken. Pilit na sinasabi ni Lyca sa utak niya. Totoo naman kasi. Gusto niya lang mag-emote kasi nasa byahe siya. Hindi daw kumpleto ang pag-eemote kung walang music.             Eh di broken ka nga.             "Hindi nga kasi ako broken..Argh!" Bulalas niya pa at naihilamos ang palad sa mukha niya. Napatingin tuloy sa kanya ang katabi. Ginawi na lamang niya ang atensyon sa labas ng bintana at nagdesisyon na umidlip na lang.             "Aba syempre, ako. Pinag-novena ko kaya 'yan.."             "Gaga. May jowa ka na.."             She hissed. Kung kailan gusto niyang umidlip, saka naman maingay. Actually, ay kanina pa niya naririnig ang usapan ng mga ito at sa tingin niya ay alam na niya kung tungkol saan.             Dumako ang tingin niya sa television screen na nakalagay sa taas ng poste, sa loob ng bus. Nagsisimula na pala ang live coverage ng Royale. Sumandal siya ng maigi sa kinauupuan. Wala na rin siyang choice kung hindi ang manood. Sa klase'y i-aannounce na kung sino ang mga napiling Kapares.             "1.5.7.7. Lyca Beatrice Dominguez. Unang Pangalan: Lyca, Pangalawang Pangalan: Beatrice, Epilyido: Dominguez.."             Sandali..             "Ay. Sayang. Hindi ako.."             "Nandiyan pa yung limang prinsipe. May pag-asa pa tayo!"             Naramdaman ni Lyca ang sunod sunod na pagvibrate ng cellphone niya. May sunod sunod na tumatawag sa kanya at may sunod sunod ding text messages ng kanyang magulang at ng iba pa niyang mga kaibigan. Tinatanong kung nasaan siya, ang iba..                  Ang iba, kino-congratulate siya.             Nagvibrate ulit. Paulit-ulit. She looked at the screen.             Unknown number.             Malakas ang pakiramdam niya kung sino ang tumatawag, pero mas pinili pa rin niyang wag sagutin ito. She pressed the off button of her phone.             Nanginginig at nanlalamig ang sikmura niya. Naiinis siya. Hindi pwedeng mangyari 'yon.             Bakit ako pa?             "Mukhang busy ata ang Kapares mo, Prinsipe Johannes.." Hindi na siya nakatingin sa television screen, pero dinig na dinig niya ang malutong na pagtawa ng host.             "If that's the case, then I might have chosen a career woman as my bride.."             Kahit hindi tumingin si Lyca sa screen ay alam niyang nakangisi si Prinsipe Johannes. She gulped and clenched her fists. Kailangan niyang bilisang makauwi at makatakas.             Kailangan na niyang mabilisang kumilos, kung hindi ay baka makahalata ang mga pasaherong kasama niya.             She pressed the buzzer. "Kuya, sa Tirona lang. Para na po!” - - - - -             "L-Lily, ano ngang pangalan ng ate mo?"             "Mama, ilang beses mo ng tinanong sakin 'yan. Paulit-ulit ka na lang. Si ate nga 'yung nasa tv. Siya 'yung napili ni Prinsipe Johannes.."             "A-Anong buong pangalan niya? May second name ba ang ate mo.. o wala?"             "Mama naman eh. Ulit ulit na.."             Rinig na rinig ni Lyca ang sagutan ng kanyang ina at ni Lily mula sa sala. Sa inis niya ay tumilapon sa baba ng shoe rack nila ang suot niyang sapatos. Bagaman wala sa loob ay mabilisan pa rin niyang inayos ang sapatos at pumasok na sa loob ng bahay.             "Nak! Andyan ka na pala—"             "Aalis na ko. Wag niyo kong susundan at wag niyo na akong hahanapin.." Dire-diretso siya sa paglalakad at hindi man lang tinapunan ng tingin ang ina. Maging si Lily na hinabol pa siya hanggang sa hagdan ay di na niya pinansin.             Importante ba iyon? Syempre hindi na.             Ang importante ngayon ay ang makaalis siya sa bahay nila dahil tiyak, mamaya ay kukuhanin na siya ng Palasyo. Hindi naman niya pwedeng hayaan iyon.             Napabuga muli siya ng hangin habang pinagmamasdan ang kwarto niya. Kinuha niya ang kanyang maleta sa sulok ng kwarto.             She heard knocks on her door. Her mother was also asking her to open the door. Tumalikod siya. Hindi na niya iyon pinansin and she started checking if she missed some important things. Di niya maisip na hanggang sa huli pa nga ay pera pa din ang habol ng kanyang ina sa kanya.             Kailan pa ba siya masasanay? Sapul naman ay lagi siya ang gumagawa ng paraan kapag may problema ang pamilya lalo sa pera. Bigay lang siya ng bigay kahit na ubos na ubos na siya.             But not now. She's all fed up. Mas uunahin niya ngayon ang sarili niya.             She looked in the mirror. Kailangan pa ba niyang magdisguise?             As if on cue, narinig niya ang sunod sunod na pagdating ng mga sasakyan sa baba. Napuno na rin ng liwanag ang buong kabahayan nila. Nandiyan na ang sundo niya. Pabilis rin ng pabilis ang katok mula sa pintuan. She heard the cling of keys behind the door. Mukhang nahanap na ng kanyang ina ang spare keys ng kanyang pintuan. Napakagat siya ng pang-ibabang labi.             Ah. Bahala na.             She eyed the door behind her. - - - - -             "Nandito na po tayo, Mahal na Prinsipe.."             Isinara ni Johan ang kanyang kwaderno at muling sinipit iyon sa bulsa ng kanyang polo. Ipinaling niya ang kanyang ulo sa may labasan.             Hindi na niya hinintay si Benjie, ang kanyang personal driver at assistant na pagbuksan siya ng pinto. He opened the door at pinagpag muna ang sapatos sa daan.             Pinagmasdan niya ang bahay sa harapan niya. Hmm.. Not that bad.  He tilted his head lightly from the side and examined the house in front of him. Akala pa naman niya ay sobrang barong-barong ang bahay ng Kapares niya.             Siguro nga ay mas maliit at mas simple lamang ang dating ng bahay nito sa mga nakikita niya. Baka nga kasize lamang ito ng bathroom sa Palasyo, o ng bagong pinapagawang lounge area ng mga guests doon. He nodded and shoved his hands inside his pockets. Nilingon niya ang mga kasama niya. Nasa likod naman niya si Benjie at naghihintay sa sunod niyang ipagagawa. Sinignalan niya ito.             "Ako na lang ang susundo sa prinsesa. Dito na lang kayo.."             "Sigurado ba kayo, Kamahalan?" Tanong ni Benjie na may kaunting alinlangan.             Johan stopped his right hand lightly in the air. "It's fine. Dito na lang kayo." Naglaro ang pares ng kanyang mga mata sa palibot ng kabahayan. "Just make sure you're alert and ready.."             Bago umalis ay tinapik niya muna ang assistant sa balikat. Kailangan nilang maging alisto. Baka mamaya ay may nakamasid na pala sa kanila at sekretong umatake ay hindi pa nila alam. Maraming maapektuhan.             He can't let the same mistake happen again. Right?             Nang makailang hakbang na siya sa pintuan ng susunduing Kapares ay nakarinig siya ng kaluskos at ingay na nagmumula sa likod bahay nito. He halted on his tracks. His head turned to the side. Nakakunot ang kanyang noo dahil halos nasakop na ng kanyang tenga ang mga hiyaw ng kung sinuman sa loob ng bahay.             He took a step forward. Then, another.  Hinawakan na rin niya ang baril na nakalagay sa may beywang niya just in case na kahina-hinala ang nandoon.             He took another step. At nasundan pa. Palakas ng palakas ang ingay. Humigpit ang hawak niya sa baril niya and he's getting ready to take it off of his waist.             Malapit na siya. Few more steps. The noise was getting stronger. His eyes twitched. It sounds like someone's cutting, trying to break something out of metal, or somewhat's scratching.             It's a cat.             No.             It's not.             Bingo.             "Anong ginagawa mo?" Nakita niya si Lyca sa sulok na bahagi ng bahay nila. She's trying to climb the dead end, covered with barbed wires. Nasa ibabaw na ito at malapit ng makaliban sa kabilang bayan. He took steps forward.             "Stop! Lumayo ka!" Singhal nito sa kanya. Her eyes were bawling at him fiercely.             Pinagpatuloy nito ang pag-akyat mula sa likod bahay nila. Hinihingal-hingal na ito at basang-basa na rin ng pawis. Did she hate him that much na to the extent, kakalmutin ang kumpol kumpol na barbed wires with her bare hands? Para lang makalayo at makatakas sa kanya?             He saw her arms already had scrapes and hands, covered in blood. Pati ang dulo ng suot nitong dress ay natastas na, ang bandang gitna at tabihan ay namantsahan na rin ng dugo. Napangiwi siya.             He was reminded of Jerry, nung nakita niya itong nag-iisa sa kwarto. At that moment, she looked like him.             Strangely, his heart fell off. Natakot siya bigla.             Johan was quick enough to get on her side. Umakyat agad siya at pinigilan ang mga kamay nito. Nagpupumiglas at sumisigaw si Lyca. Mabuti na lamang ay mas malakas pa rin siya. Quickly but gently, he held her hands while hugging her from behind.             "Bitawan mo nga ako! Bitawan mo ako sabi!"             "Alam mo.." Hinihingal-hingal na ring sabi ng prinsipe. "Walang magandang maidudulot kung magmamatigas ka.." Tinuon niya ang isang kamay sa katabing poste. "You need to calm down!"             "Shut up! Shut up! Wala kang alam, kaya manahimik ka na lang!"             Johan let out a grunt. She elbowed her from his side and it pained him. Ang tendency, nawalan siya ng balanse. Nawala ang kapit niya sa poste sa kabilang side nila at tuluyang nahulog sa lupa.             Sinalubong ng likod niya ang sakit. Sumabit pa sa mukha niya ang nasirang barbed wire at nadungisan ang pisngi at ilong niya. He groaned. Mabuti na lamang at mabilis siya at hinawakan niyang mabuti ang babae. He looked down. Nasa ibabaw niya ito, her face already glistening with tears. The second he blinked, nawalan na ito ng malay.             Sunod sunod na mga yapak ang narinig niya sa direksyon nila. Nakita niyang humahangos si Benjie pati ang mga kasama nito, papunta sa kanya. His assistant kneeled in front of him.             "Kamahalan!" Dahan-dahan siya nitong inalalayan na makaupo. Yakap-yakap pa rin niya ang Kapares. "Ayos lang ba kayo? Anong nangyari?"             "I'm okay.."  Hinubad ni Johan ang suot niyang jacket suit at sinuot kay Lyca. "Get the car ready. Pupunta tayong ospital.."             Binuhat niya ang Kapares na ngayon ay mahimbing ng natutulog. He carefully held her hands and fixed her position in his arms.             Damn. What a night.             Mukhang kailangan niyang ipakansela ang Cotillion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD